That's Entertainment graduates reunite at Kuya Germs tribute

Feb 24, 2016

Muling nagsama-sama ang mga dating miyembro ng sikat na youth-oriented show na That’s Entertainment para sa The Master Showman’s Final Bow, isang tribute show para sa yumaong veteran TV host na si German “Kuya Germs” Moreno.

Si Kuya Germs ay pumanaw noong January 8, sa edad na 82, dahil sa cardiac arrest.

Sa pamamagitan ng Instagram, nag-post ang ilan sa former That’s Entertainment members ng mga larawang kuha sa nasabing tribute show; kabilang na sina Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, Vina Morales, Billy Crawford, Patricia Javier, Tina Paner, Sharmaine Arnaiz, Jennifer Sevilla, at marami pang iba.

Dumating din sa event ang Kapuso singers na sina Regine Velasquez, Jaya, at Christian Bautista.

Ipalalabas ang nasabing episode sa February 26, Biyernes, pagkatapos ng Because of You.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results