Sa kabila ng mga batikos ng publiko sa campaign comics ni Mar Roxas, nagpakita ng mga larawan ang asawa niyang si Korina Sanchez ng mga taong nagustuhan umano ito.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Korina ang ilang larawang nagpapakita ng mga taong nagbasa ng komiks na may titulong “Sa Gitna ng Unos,” na kinatatampukan ng kanyang asawa at presidential candidate na si Mar Roxas.
Ang larawan ay kuha mula sa mga campaign sorties sa Nueva Vizcaya at Tarlac.
Sa huli naman niyang post na kuha mula sa Tarlac, sinabi ni Korina, “To end the day, bilang pangwakas....so happy everyone is happy about Mar's Komiks! Pinagkakaguluhan sa Palengke ng Tarlac!
“Thanks to all the supporters who had this made for us --- to show TRUTH about Mar's life and achievements! We love you!”
Sa naunang pahayag ng spokesperson ni Roxas na si Akbayan party-list representative Barry Gutierrez, sinabi niya na ang naturang komiks ay ideya ng mga taga-suporta ng presidential candidate ng administrasyon.
Aniya, “Ginawa ang comics ay gawa ng mga supporters na gustong ipaalam sa ating mga kababayan ang ginawa ni Mar sa Yolanda.
“Ginawa ito dahil sa patuloy na pagkalat ng kasinungalingan tungkol sa kanyang mga nagawa.'
Read: Mar Roxas draws flak for being portrayed as typhoon Yolanda hero in campaign comics