Korean superstars Song Joong Ki, Song Hye Kyo file for divorce

by Erwin Santiago
Jun 27, 2019
South Korean superstars Song Joong Ki and Song Hye Kyo file for divorce almost two years after their wedding.

Hiwalay na ang beloved South Korean couple na sina Song Joong Ki, 33, at Song Hye Kyo, 37.

Sa pamamagitan ng laywer ni Joong Ki na si Park Jae Hyun, inanunsiyo ang pagpa-file ng aktor ng divorce sa Seoul Family Court noong June 26, Miyerkules.

Ipinarating din ng abugado ng Korean actor ang official statement ni Joong Ki.

Dito ay humingi ng paumanhin si Joong Ki at umaasa raw siya sa amicable divorce.

Hindi binanggit ng Korean actor sa kanyang statement kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Hye Kyo.

Ikinasal sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo noong October 31, 2017.

Sa loob ng halos dalawang taon nilang pagsasama ay hindi sila nagkaroon ng anak.

Narito ang kabuuang pahayag ni Song Joong Ki:

"Hello. This is Song Joong Ki.

"First, I’d like to apologize for delivering this unfortunate news to the many fans who love and care for me.

"I have begun the process of filing for divorce from Song Hye Kyo.

Continue reading below ↓

"Rather than denouncing one another and arguing over who is to blame, I hope that the divorce process can be wrapped up amicably.

"I ask for your understanding in regards to the fact that it is difficult to discuss the details of my personal life, and I will recover from my current wounds and do my utmost as an actor to repay you through great productions in the future.

"Thank you."

Ilang buwan pagkatapos ng kanilang kasal ay may mga espekulasyon nang hindi maganda ang kanilang pagsasama, ngunit itinanggi ito ng magkabilang kampo.

Nagsimula ang kanilang relasyon nang magsama sila sa hit Korean drama series na Descendants of the Sun, na ipinalabas noong 2016.

Incidentally, magkakaroon ng Philippine version ang Descendants of the Sun na pagbibidahan ni Dingdong Dantes. Hindi pa inaanunsiyo kung sino ang makakapareha niya rito.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
South Korean superstars Song Joong Ki and Song Hye Kyo file for divorce almost two years after their wedding.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results