Song Hye Kyo cites "differences in personality" as reason for divorce from Song Joong Ki

by Erwin Santiago
Jun 27, 2019
Reports claim that Song Joong Ki and Song Hye Kyo have moved out from their honeymoon house in Itaewon months before announcing their divorce.

"Differences in personality" ang ibinigay na dahilan ng kampo ni Song Hye Kyo sa paghihiwalay ng South Korean actress at asawa nitong si Song Joong Ki.

Ngayong Huwebes ng umaga, June 27, ginulat ng tinaguriang Song Song couple ang marami sa balitang nag-file ng divorce si Joong Ki upang ipawalang-bisa ang kasal nila ni Hye Kyo.

Ikinasal ang dalawang Korean superstars noong October 31, 2017.

Kasunod ng paglabas ng pahayag ni Joong Ki at ng abugado nito, naglabas din ng official statement ang agency ni Hye Kyo na United Artists Agency (UAA) Korea.

Dito ay nakasaad na ang pagkakaiba ng personalidad ng dalawa ang dahilan ng kanilang diborsiyo.

Pahayag ng UAA: "Out actress, Song Hye Kyo, is currently divorcing her husband after careful consideration between the two.

"The reason was because of their differences in personality. The two were unable to overcome their differences, which led to this decision."

Dagdag pa ng kampo ng aktres: "We politely ask for your understanding as we cannot confirm more details, because it is both of the actors’ private lives.

Continue reading below ↓

"Also, we ask that you please refrain from leaving provocative or speculative comments on the matter.

"We are sorry to cause worry. We will try our best to greet you all with a better side in the future."

SONGSONG COUPLE HAS MOVED OUT FROM THEIR HOUSE?

Bago pa man ianunsiyo ang paghihiwalay nina Song Joong Ki at Song Hye Kyo, may mga lumabas nang balita tungkol sa kanilang pagsasama.

Nag-umpisa ito noon pang February 2019, nang makita si Hye Kyo na hindi nito suot ang kanyang wedding ring sa ilang okasyon.

Napawi ang pagdududa ng ilan nang makitang suot pa rin ni Joong Ki ang kanyang wedding ring sa script reading ng drama series niyang Arthdal Chronicles.

May ilang ulat din na nagsasabing ilang buwan bago ianunsiyo ang kanilang pagdidiborsiyo, umalis na sila sa bahay kung saan sila tumira pagkatapos ng kanilang kasal.

Bumili ang Song couple ng isang luxurious single house sa Itaewon bago pa man sila ikinasal noong October 2017.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Reports claim that Song Joong Ki and Song Hye Kyo have moved out from their honeymoon house in Itaewon months before announcing their divorce.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results