HB Entertainment confirms Ku Hye Sun and Ahn Jae Hyun divorce

by Jet Hitosis
Aug 18, 2019
Ku Hye Sun (left) and Ahn Jae Hyun's (right) talent agency HB Entertainment releases official statement confirming the Korean couple's impending divorce.
PHOTO/S: @kookoo900, @aagbanjh on Instagram

Kinumpirma ng talent agency nina Ku Hye Sun at Ahn Jae Hyun na magdidiborsiyo na ang sikat na Korean couple.

Ilang oras makaraang pumutok ang balita sa napipintong hiwalayan dahil sa mga ipinost—at kalaunan ay binura—ni Hye Sun sa Instagram ngayong Linggo, August 18, naglabas ng official statement ang HB Entertainment.

Kapwa talents ng HB Entertainment sina Hye Sun Hae Hyun.

Batay sa ulat ng pangunahing K-pop news website na Soompi, kinumpirma ng talent agency na “the two actors recently reached a point where they felt they could no longer maintain their marriage due to various issues, and after a serious conversation, they both agreed to get a divorce.”

Nakasaad pa sa pahayag, “As the agency of the two actors, we respected the decision they made after long and sincere talks over the past couple of months, and we hoped that they would lead happier lives separately in the future.”

Continue reading below ↓

AGENCY SAYS HYE SUN INITIATED THE DIVORCE

Nilinaw rin ng HB Entertainment na ang aktres ang gumawa ng draft ng agreement para sa kanilang pagdidiborsiyo.

“Ku Hye Sun recently appointed a lawyer and drafted a divorce agreement, which she then sent to Ahn Jae Hyun and requested that he also quickly appoint a lawyer and go through the necessary steps.

“Ku Hye Sun expressed that she wished to file for the divorce in August, and complete the divorce process by September.

“And along with the divorce agreement, Ku Hye Sun sent over a draft of the statement she would be distributing to the press."

Nabanggit din ng talent agency na “taken aback” ito nang mapaulat ang ipinost ni Hye Sun ngayong Linggo ng umaga.

Hindi raw kasi nakasaad sa post ng aktres na ang “divorce was based on a mutual agreement after serious conversations, and simply stated that she did not want a divorce.”

Kaugnay nito, isinapubliko na rin ng HB Entertainment ang “screenshot of the drafted statement” na ipamamahagi ni Hye Sun sa media.

Continue reading below ↓

Narito ang ibinigay ng HB Entertainment na buong pahayag umano ni Hye Sun, na translated ng Soompi:

HYE SUN REFUTES AGENCY’S STATEMENT

Gayunman, sa panibago niyang post sa Instagram, mariing kinontra ni Hye Sun ang official statement ng HB Entertainment.

Batay sa ulat ng Soompi, iginiit ng aktres sa kanyang post na “we had not signed or agreed on a final decision yet.”

Continue reading below ↓

Sinabi rin ni Hye Sun na inilabas ng talent agency ang official statement nito “without consulting me.”

Iniulat ng Soompi na post ni Hye Sun: “Yesterday, I was in a rush to upload what I did because I expected official statements would be made today.

“Though we were in the process of talking about a divorce, we had not signed or agreed on a final decision yet.

“The official statement was made without consulting me.

“I wish to protect my family.”

Kasunod nito, ipinost ni Hye Sun ang screenshot ng text message niya kay Jae Hyun, na translated ng Soompi: “It says you’re on a call. Call me back.”

Ang text ay may oras na 1:40 ng umaga, KST (Korea Standard Time).

Ang isa pang litrato ay text uli ni Hye Sun sa asawa na may oras na 2:02 ng umaga, KST.

AGENCY TO TERMINATE HYE SUN’S CONTRACT

Sa huling serye ng mga text message, kinuwestiyon ng aktres ang pakikialam ng talent agency sa nakaamba nilang diborsiyo.

Continue reading below ↓

Binanggit din ng aktres na binantaan siya ng HB Entertainment na ite-terminate ang kanyang kontrata.

Saad sa isang text ni Hye Sun kay Jae Hyun, “And they stated that if I want it, they will terminate my contract and I think it’s right for me to leave the agency.”

Dahil dito, ayon sa aktres, mawawalan siya ng trabaho, kaya hiniling niyang bayaran ni Jae Hyun ang balanse ng bahay nila sa Yongin, isang siyudad sa probinsiya ng Gyeonggi.

“But if I leave the agency and we get a divorce, I will have no work so please send me the balance of our Yongin house,” saad sa text ni Hye Sun.

Narito ang kabuuan ng translation ng text messages ni Hye Sun kay Jae Hyun:

Continue reading below ↓

Gaya sa nauna niyang Instagram posts, dinelete din ng aktres ang mga screenshots na ipinost niya.

JAE HYUN’S “CHANGE OF HEART”

Trending ngayong Linggo ng umaga sina Hye Sun, 34, at Jae Hyun, 32, makaraang mag-post ang aktres ng pahayag na “my husband has had a change of heart and wants a divorce, and I want to stay married.”

May 2016 nang ikinasal sina Hye Sun at Jae Hyun, na nagkamabutihan habang ginagawa ang drama series na Blood noong 2015.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ku Hye Sun (left) and Ahn Jae Hyun's (right) talent agency HB Entertainment releases official statement confirming the Korean couple's impending divorce.
PHOTO/S: @kookoo900, @aagbanjh on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results