Pumanaw na ang Korean actress na si Go Soo Jung, sa edad na 24.
Ito ang inihayag sa Instagram ngayong Miyerkules, February 12, ng talent agency niyang Story J Company.
Batay sa translation ng pangunahing Korean entertainment website na Soompi.com, nakasaad sa post ng talent agency na namatay si Go Soo Jung sa hindi tinukoy na sakit.
Ngayong Miyerkules lang inihayag ng Story J ang malungkot na balita, pero nailibing na ang aktres nitong Linggo, February 9.
“A few days ago, actress Go Soo Jung bid farewell to this world and became one of the bright stars in the sky,” saad sa Instagram post ng talent agency, na translated ng Soompi.
“We will always remember actress Go Soo Jung and her glowing smile which brightened the world.
“Please wish her a safe passage.”
Nakilala si Go Soo Jung sa kanyang debut project noong 2016, ang Korean drama na Goblin, na pinagbidahan nina Gong Yoo, Kim Go-eun, at Lee Dong-wook.
Ginampanan niya rito ang papel ng isa sa mga multo na sinusundan ang karakter ni Kim Go Eun
Napanood din ang aktres sa TV series na Solomon’s Perjury.
Itinampok din siya sa music video ng kanta ng sikat na Korean boy band na BTS, ang “With Seoul.”
