K-pop star Chung Ha in quarantine after two of her staff tested positive for COVID-19

by Jet Hitosis
Mar 3, 2020
Korean singer-dancer Chung Ha will "go into self-isolation" despite testing negative for COVID-19, after two of her staff members were confirmed to have contracted the virus from their recent trip to Italy, as per the K-pop star's agency MH Entertainment.
PHOTO/S: @chungha-official on Instagram

Sumasailalim ngayon sa self-isolation ang Korean singer-dancer na si Chung Ha, matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang dalawa niyang assistants.

Bagamat nagnegatibo sa virus ang 24-anyos na K-pop star, ni-require ng Korea Centers for Disease Control and Prevention na sumailalim siya at ang iba pa niyang kasama sa quarantine.

Ayon ito sa official statement na inilabas ng talent agency ni Chung Ha, ang MNH Entertainment, nitong March 1.

Kagagaling lang kasi ng grupo ni Chung Ha sa Italy.

Dumalo ang singer-dancer sa Iceberg 2020 Fall Winter Fashion Show, na bahagi ng Milan Fashion Week 2020.

Sa kasalukuyan, pangatlo ang Italy sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa mundo, kasunod ng China—ang pinagmulan ng virus—at ng South Korea.

Batay sa situation report ng World Health Organization (WHO) nitong March 1, mahigit 1,100 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Italy, na pumatay sa 29 na katao.

Sa South Korea, lampas 3,700 na ang dinapuan ng virus at 18 ang nasawi.

Continue reading below ↓

Lampas 80,000 naman ang nagpositibo sa COVID-19 sa China, kung saan mahigit 2,800 na ang namatay.

CHUNG HA TESTED NEGATIVE FOR COVID-19

Sa report ng Korean pop culture English website na Soompi.com, batay sa translated statement ng MNH Entertainment, February 24 nang bumalik sa South Korea ang grupo ni Chung Ha.

“One of the staff members who accompanied her showed signs of fever and tested positive for COVID-19,” quoted ng Soompi mula sa pahayag ng talent agency.

“We immediately made Chung Ha and all accompanying personnel go into self-isolation and had them tested.

“One more staff member tested positive for the virus, and we are taking the appropriate action for it.

“All the other staff members tested negative, and Chung Ha also tested negative on March 1.”

Sa kabila nito, obligado si Chung Ha, at ang iba pa niyang nakasama sa Italy na nagnegatibo rin sa virus, na mag-self quarantine.

Continue reading below ↓

“For the sake of safety, all scheduled activities have been canceled for the time being, and we will continue to take the best possible measures and deal with [the virus] faithfully,” anang MNH Entertainment.

Kabilang sa mga nakanselang gig ni Chung Ha ang para sa taunang Head In The Clouds Music and Arts Festival 2020 sa Jakarta, Indonesia sa March 7.

Kinumpirma ito sa ulat ng straitstimes.com ng Singapore.

SONG HYE KYO, BLACKPINK’S LISA ATTEND MILAN FASHION WEEK

Sa parehong Straits Times report, nakasaad na bukod kay Chung Ha, may iba pang South Korean celebrities na dumalo sa Milan Fashion Week (February 18-24).

Napaulat na nasa prestihiyosong fashion event din ang mga aktres na sina Song Hye Kyo at Park Min Young, ang miyembro ng all-girl group na Blackpink na si Lisa Manoban, gayundin ang singer-actress na si IU.

Nitong February 23, nag-post pa si Song Hye Kyo sa Instagram ng mga litrato niya sa Milan Fashion Week.

Continue reading below ↓

May sarili ring Instagram post si IU nitong February 20 ng pictures niya habang namamasyal sa Milan.

Continue reading below ↓

Nakasaad pa sa ulat na karamihan sa South Korean celebrities na dumalo sa event ay nanatili sa iisang hotel sa Milan.

Ang Milan ay saklaw ng rehiyon ng Lombardy, ang epicenter ng COVID-19 sa Italy.

Nakabalik na sa Korea si Song Hye Kyo noong February 27, ngunit hindi siya sumailalim sa quarantine.

Wala pang report kung nakabalik na rin sa Korea sina Park Min Young, Lisa, at IU.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korean singer-dancer Chung Ha will "go into self-isolation" despite testing negative for COVID-19, after two of her staff members were confirmed to have contracted the virus from their recent trip to Italy, as per the K-pop star's agency MH Entertainment.
PHOTO/S: @chungha-official on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results