CLOY star Hyun Bin secretly donated 200M won to help fight COVID-19

by Jet Hitosis
Mar 4, 2020
Crash Landing On You star Hyun Bin secretly donated 200 million won, or PHP8.6 million, to help fight COVID-19 outbreak in South Korea.
PHOTO/S: @withhyunbin on Instagram

Nabunyag ang sikretong pagdo-donate ng Crash Landing On You lead star na si Hyun Bin ng 200 million won (PHP8.6 million) laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak sa South Korea.

Ito ay batay sa report ngayong Miyerkules, March 4, ng top K-pop news site na Koreaboo.

Ayon sa Koreaboo, si Hyun Bin, 37, ang kauna-unahang Korean celebrity na nag-donate sa South Korea kasabay ng biglaang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa kanyang bansa.

Nakasaad sa ulat na nagbigay ng financial donation si Hyun Bin matapos i-release ng kanyang talent agency, ang VAST Entertainment, ang liham ng aktor para sa mga apektado ng health crisis.

February 21 nang i-release ng VAST Entertainment ang sulat ng Korean actor na nagpapahayag ng pag-aalala sa mga pasyente, habang nagpapasalamat sa mga medical workers na nagtutulung-tulong sa pagpigil sa virus.

Ang nabanggit na liham ni Hyun Bin ay may Korean, Japanese, Chinese, at English versions.

Continue reading below ↓

Sa ulat ng Koreaboo, nakasaad na inilihim ni Hyun Bin sa VAST Entertainment ang pagdo-donate niya sa non-profit organization na Community Chest of Korea.

Sinabihan din umano ng Korean actor ang organisasyon na huwag ipagsasabi ang tungkol sa ibinigay niyang donasyon.

SON YE JIN DONATES FOR HOMETOWN DAEGU

Sa Community Chest of Korea rin nag-donate ng 100 million won (P4.2 million) ang leading lady ni Hyun Bin sa Crash Landing On You na si Son Ye Jin.

Continue reading below ↓

Partikular na inilaan ni Son Ye Jin ang donasyon sa kanyang bayang pinagmulan, ang Daegu City.

Ang Daegu ang epicenter ng COVID-19 sa South Korea.

Batay sa datos ng Korea Centers for Disease Control and Prevention ngayong Miyerkules, pumalo na sa 5,328 ang kabuuang kaso ng virus sa South Korea, iniulat ng Channel News Asia.

Mahigit 4,000 sa bilang na ito ay naitala sa Daegu, habang 32 na ang namatay sa sakit.

Sa South Korea naitala ang pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa labas ng China, kung saan nagmula ang virus.

Nasa 80,304 na ang dinapuan ng COVID-19 sa China, at 2,946 ang namatay, ayon naman sa situation report ng World Health Organization (WHO) nitong March 3.

KOREAN CELEBRITIES RUSH TO HELP

Bukod kina Hyun Bin at Son Ye Jin, nag-donate din ng tig-100 million won ang 2020 Oscar Best Director na si Bong Joon Ho, at ang bida ng Oscar Best Picture na pelikula niyang Parasite, si Song Kang Ho.

Continue reading below ↓

Parehong halaga rin ang cash donation ng Korean actors na sina Gong Yoo, Song Joong Ki, Park Seo Joon, Kim Hye-soo, Jung Woo-sung, Bae Suzy, at Hyeri para sa laban ng South Korea kontra COVID-19.

Tig-100 million won din ang ibinigay ni Suga, ng miyembro ng Korean boy band na BTS, at ng singers na sina Lee Seung Gi at IU.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Crash Landing On You star Hyun Bin secretly donated 200 million won, or PHP8.6 million, to help fight COVID-19 outbreak in South Korea.
PHOTO/S: @withhyunbin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results