Korean actor Park Bo Gum applies to join the Navy

by Jet Hitosis
Jun 3, 2020
South Korean actor Park Bo Gum is set to star in films Seo Bok and Wonderland opposite Korean superstar Gong Yoo. Bo Gum will also appear in Netflix K-Drama series A Record of Youth.
PHOTO/S: @parkb0gum on Instagram

Nag-apply para magserbisyo sa Korean Navy ang sikat na South Korean actor na si Park Bo Gum.

Kinumpirma ito , nitong Martes, June 2, ng Blossom Entertainment, ang talent management agency ni Bo Gum.

Ayon sa report ng top Korean entertainment website na Soompi, June 1 nang nagpa-interview ang 26-year-old actor sa Navy.

Sakaling matanggap, sa August 31 magpapa-enlist si Bo Gum para sa mandatory military service.

Tumatagal ng dalawang taon ang compulsory military service sa South Korea.

PENDING MILITARY APPLICATION

Sa official statement ng Blossom Entertainment na iniulat ng Soompi, sinabi ng agency na ginawa ni Bo Gum ang application “quietly.”

Hindi rin muna nagbigay ng detalye ang agency tungkol sa mga projects ni Bo Gum.

Lalo na at wala pa namang resulta ang application ng aktor.

Mababasa sa official statement ng Blossom Entertainment, na translated ng Soompi:

“Because he did everything quietly, only a handful of people know even at the agency.

Continue reading below ↓

“Though there may be much that you are curious about, the situation will change depending on the result.

“So please understand that it’s difficult to disclose any details at the moment.”

BO GUM TO STAR IN TWO MOVIES, ONE NETFLIX SERIES

Tapos nang gawin ni Bo Gum ang pelikulang Seo Bok, na ipalalabas ngayong taon.

Makakasama ni Bo Gum sa Seo Bok ang popular Korean actor na si Gong Yoo.

Co-stars din sina Bo Gum at Gong Yoo sa pelikulang Wonderland, na ipalalabas sa 2021.

Bida rin si Bo Gum sa K-Drama series na A Record of Youth, na ire-release sa Netflix sa huling bahagi ng taong ito.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
South Korean actor Park Bo Gum is set to star in films Seo Bok and Wonderland opposite Korean superstar Gong Yoo. Bo Gum will also appear in Netflix K-Drama series A Record of Youth.
PHOTO/S: @parkb0gum on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results