K-pop idol Yohan of TST dies at 28

by Jet Hitosis
Jun 17, 2020
Korean singer Yohan of boy band TST celebrated his 28th birthday last April 16. He passed away after two months, June 16.
PHOTO/S: @fs7official on Instagram

Pumanaw na ang miyembro ng Korean boy band na TST na si Yohan.

Sumakabilang-buhay si Yohan, Kim Jung-hwan ang tunay na pangalan, saktong dalawang buwan matapos niyang i-celebrate ang kanyang 28th birthday.

Bagamat ngayong Miyerkules, June 17, lang napaulat ang pagkamatay ni Yohan, June 16 pumanaw ang Korean singer.

Ayon sa report ng top Korean entertainment website na Soompi, hiniling ng pamilya ni Yohan na huwag nang ianunsiyo ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Kinumpirma ng KJ Music Entertainment, ang talent management agency ng TST, ang malungkot na balita.

Sa official statement ng agency, hiniling nito sa media “to refrain from spreading rumors and speculation on Yohan’s cause of death.”

Ito, ayon sa agency, ay bilang respeto na rin sa nagdadalamhating pamilya ng singer.

Batay sa report ng Soompi, nakaburol ang mga labi ni Yohan sa Severance Hospital sa Sinchon.

Ililibing si Yohan sa Yongin Catholic Church Park sa Huwebes, June 18.

Continue reading below ↓

FROM BOY BAND NOM TO TST

Taong 2015 nang maging miyembro si Yohan ng Korean boy band na NOM, hanggang sa nag-disband ang grupo.

Nagbalik si Yohan noong 2017 bilang bahagi ng seven-member group na Top Secret.

Makalipas ang isang taon, binago ang pangalan ng Top Secret at ginawang TST.

January 2020 nang nagkaroon ng comeback ang TST, at ini-launch nila ang album na Countdown.

Nang mag-comeback, apat na lang ang miyembro ng TST: sina Yohan, Ain, Junghoon, at Yonghyeon.

Continue reading below ↓

Labis na ikinabigla ng local at international K-pop fans ang biglaang pagpanaw ni Yohan, dahil aktibo sa social media ang singer.

Ang huling Instagram post niya ay nitong May 31, kung saan isinulat niya ang “I want to travel.”

Binati pa si Yohan ng kanyang fans nang magdiwang siya ng kanyang 28th birthday noong April 16.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korean singer Yohan of boy band TST celebrated his 28th birthday last April 16. He passed away after two months, June 16.
PHOTO/S: @fs7official on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results