Jimin leaves AOA amid bullying allegations from former member Mina

by Erwin Santiago
Jul 5, 2020
AOA leader Jimin (right) officially leaves the group after former member Mina (left) accused her of bullying.

Nagdesisyon ang K-pop idol na si Jimin na umalis na sa all-female group na AOA at sa entertainment industry.

Ito ang inanunsiyo ng FNC Entertainment, ang management ng AOA, isa inilabas nilang official statement sa Korean media nitong Sabado ng gabi, July 4.

Nakasaad sa statement, na isinalin sa English ng website na soompi.com:

"First, we would like to apologize for causing concern to many people through the events related to Jimin that have been unfolding recently.

"From this moment forth, Jimin has decided to leave AOA and halt all of her activities in the entertainment industry.

"Additionally, our agency accepts responsibility for this entire situation, and we will put our full focus on managing our artists [in the future].

"Once again, we apologize for causing concern through these unfortunate matters."

MINA'S BULLYING ALLEGATIONS

Ang tinutukoy na "events" ng FNC ay ang sunud-sunod na Instagram posts noong July 3 ng dating miyembro ng AOA na si Mina.

Continue reading below ↓

Isiniwalat ni Mina na nakaranas siya ng depression at tinangkang kitilin ang sariling buhay.

Malaking dahilan daw nito ay ang naranasan niyang pambu-bully mula sa lider ng AOA na si Jimin, sa loob ng sampung taon na nasa grupo siya.

Umalis si Mina sa AOA noong 2019.

Kalakip ang larawan ng nagpeklat nang mga laslas sa kanyang kaliwang pulso, direktang pinangalanan ni Mina si Jimin bilang nam-bully umano sa kanya.

Mensahe ni Mina kay Jimin: “What I want is for you to come in front of me and admit your wrongdoing and apologize sincerely.

“Unnie, you bullied me, and you're living comfortably.

“For me, opening my eyes every day is torture, but I have to feed my family.

“Please acknowledge it and apologize to me.”

"Unnie" ang katumbas ng ate sa Korean.

Tinatawag na unnie ang nakatatandang kapatid na babae, o sinumang babaeng nakatatanda, bilang pagpapakita ng respeto.

HOT STORIES

JIMIN POSTS APOLOGY

Kahapon din ay naglabas ng official statement si Jimin, sa pamamagitan ng Instagram, tungkol sa bullying allegations ni Mina.

Continue reading below ↓

Dito ay humingi ng paumanhin si Jimin tungkol sa isyu.

Pahayag niya, base pa rin sa translation ng soompi, "I can’t express everything in a short post but I am very, very sorry. I was lacking as a leader and I did wrong.

"As I carry this regret and sense of guilt, I realize that I did not understand Mina well during the time we spent together and I did not look around me carefully.

"Yesterday, I cried and apologized and cried again.

"However, I realize that the emotions that Mina has built up about me over time cannot be easily resolved, so I am very sorry."

Ayon kay Jimin, ang kanyang naging asal noon kay Mina ay may kinalaman sa paniniwala niyang ang "good sides" lamang dapat ang ipakita nila.

"When I was younger, I believed that our team should only show our good sides to our staff and the world.

Continue reading below ↓

"That’s how I thought during my early twenties, but I realize now that I was lacking a humane side as a leader to lead a team in such a manner."

Dagdag pa niya, "I’m sorry for causing controversy and I’m sorry for writing a statement that is all over the place.

"More than anything else, I’m sincerely sorry to Mina and the members, who spent a lot of effort for the two of us."

Continue reading below ↓

MINA ACCUSED OF JIMIN OF HAVING SEX IN THE DORM

Ilang sandali matapos mag-post ni Jimin, naglabas din ng mensahe si Mina sa Instagram.

Kinuwestiyon ni Mina ang pahayag ni Jimin na nag-apologize ito sa kanya.

Isiniwalat din niyang nagdala umano ng lalaki si Jimin sa kanilang dorm upang makipagtalik.

Saad niya: "Apologized? You apologized?

"I’m going to say what I need to say before I go.

"Yesterday, you said that you acted like that so that I would be set on the right path.

"Hearing this from the same person who brought a man to the dorms and had [sex]?

"You should be set on the right path first. At the very least, you shouldn’t have lied."

Sabi pa ni Mina, "I understand that you will hate me to the end and you don’t want to apologize to me.

"But what? I will never forget the look in your eyes when you came in.

Continue reading below ↓

"I’ll die and repay you in kind. All the eyes and ears that were at my house, you’re all the same."

Ang tinutukoy ni Mina ay ang pagpunta ng AOA member, kabilang si Jimin, at ang kanilang manager sa kanyang bahay kahapon.

Mensahe ni Mina kay Jimin sa huli: "Shin Ji Min, you’re so lucky, everyone is on your side.

"You’ve won. I’ve lost. In the end, I’ve lost."

Binura ni Mina ang post niyang ito pagkatapos.

FOUR REMAINING

Si Mina ang ikatlong miyembro ng AOA na umalis sa grupo; nauna sa kanya sina Yookyung noong 2016, at sumunod sa kanya si Choa noong 2017.

Sa pag-alis ni Jimin sa grupo, ang natitira na lamang sa AOA ay sina Yuna, Hyejeong, Chanmi, at Seolhyun.

Opisyal na nag-debut ang AOA (Ace of Angels) noong 2012 bilang isang dance group at banda.

Kabilang sa mga sumikat nilang kanta ay ang "Heart Attack," "Miniskirt," "Short Hair," at "Like A Cat."

Continue reading below ↓

Sa pag-alis ni Jimin sa grupo, wala pang desisyon ang FNC kung ano ang mangyayari sa AOA.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AOA leader Jimin (right) officially leaves the group after former member Mina (left) accused her of bullying.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results