Kelsey Merritt posts sweet photos with Olympian BF Conor Dwyer; he comments, “Mahal kita”

by Jet Hitosis
Oct 7, 2020
Filipino-American model Kelsey Merritt is the first Filipino to walk the Victoria's Secret Fashion Show runway in 2018. Her boyfriend, American swimmer Conor Dwyer, is an Olympic gold medalist (2012).
PHOTO/S: @kelseymerritt on Instagram

Ibinahagi ng Filipino-American model na si Kelsey Merritt ang sweet photos nila ng nobyong Olympic gold medalist na si Conor Dwyer habang nagbabakasyon sila sa Mexico.

Si Kelsey, 23, ang kauna-unahang may dugong Pilipino na rumampa sa Victoria’s Secret Fashion Show noong 2018.

Siya rin ang unang Pinoy na naitampok sa cover ng Sports Illustrated Swimsuit edition noong 2019.

Sa bayan ng kanyang ina sa Pampanga isinilang si Kelsey, na matagal nang nakabase sa New York City.

Si Conor, 31, ay isang American competition swimmer, na nakasungkit ng gold medal sa 2012 Summer Olympics sa United Kingdom.

Isa ring model si Conor. Siya ang endorser ng Philippine-based international clothing brand na Bench sa men’s wear campaign nito sa United States at North America.

Dalawang taon at limang buwan nang magkasintahan sina Kelsey at Conor.

CONOR COMMENTS IN FILIPINO

Martes, October 6, nang ipinost ni Kelsey sa Instagram ang dalawang litrato nila ni Conor habang nasa yate sa Cabo San Lucas, isang resort city sa Mexico.

Continue reading below ↓

Ang unang litrato ay black-and-white kung saan makikitang nakasuot ng swimwear ang magkasintahan habang magkayakap sa ibabaw ng yate.

Sa ikalawang picture, sa parehong setting, masuyong nag-kiss sa labi sina Kelsey at Conor.

Sa caption, tinukoy ni Kelsey ang nobyo bilang “my favorite person in the world!!”

Nakakaaliw naman na nasa salitang Filipino ang comment ni Conor sa post ng nobya.

Continue reading below ↓

Sabi ni Conor kay Kelsey: “Mahal Kita [red heart emoji]”

CELEBRATING KELSEY’S BIRTHDAY

Sa Cabo San Lucas nag-celebrate ng kanyang 23rd birthday si Kelsey nitong October 1.

Bukod kay Conor, kasama rin ni Kelsey ang kanilang mga kaibigan.

Continue reading below ↓

Sa birthday greetings na ipinost ni Conor sa Instagram, nagbahagi siya ng litrato nila ni Kelsey habang nagbibisikleta.

Maiksi pero nakakakilig ang simpleng mensahe ni Conor sa nobya: “Happy Birthday to my ride or die [red heart emoji].”

Sa Los Angeles, California ginugol ng magkasintahan ang lockdown period simula noong April.

Continue reading below ↓

Kasama nina Kelsey at Conor ang pet dog nilang si Pablo, isang British bulldog.

May 25 naman nang ipinagdiwang nina Kelsey at Conor ang kanilang second anniversary bilang magkasintahan.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino-American model Kelsey Merritt is the first Filipino to walk the Victoria's Secret Fashion Show runway in 2018. Her boyfriend, American swimmer Conor Dwyer, is an Olympic gold medalist (2012).
PHOTO/S: @kelseymerritt on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results