Kim Seon Ho fans threaten to take legal action over anonymous post

by Erwin Santiago
Oct 19, 2021
Popular Korean actor Kim Seon Ho is now trending on Twitter after his name is being dragged to an anonymous post of a netizen who revealed damaging information about an actor who is her ex-boyfriend.
PHOTO/S: Netflix

Naghihimagsik ngayon ang fans ng Korean actor na si Kim Seon Ho sa iba't ibang panig ng mundo dahil sa pagkakaugnay ng kanilang idolo sa isang artikulo na maaaring ikasira ng career nito.

Si Kim Seon Ho, 35, ay nagsimulang sumikat nang husto nang lumabas siya sa hit Netflix series na Start Up noong 2020. Nagtuluy-tuloy ang popularidad niya hanggang sa kunin siya ng iba't ibang brands para maging endorser nila.

Nitong weekend ay nagwakas na ang kanyang latest hit drama series sa Netflix, ang Hometown Cha Cha Cha.

Regular ding napapanood si Kim Seon Ho sa KBS variety program na 2 Days 1 Night.

Halos kasabay ng pag-ere ng huling episode ng Hometown Cha Cha noong October 17, Linggo, isang netizen ang nag-post sa Korean website na Nate Pann upang isiwalat ang totoong katauhan umano ng isang sikat na aktor.

Ex-girlfriend daw siya ng aktor na itinago niya sa initial na "K."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naghiwalay raw sila ng aktor apat na buwan na ang nakararaan.

Ayon sa netizen, nabuntis siya ngunit pinilit daw siya ng aktor na ipalaglag ang dinadala niya. Pinangakuan din daw siya nito ng kasal sa loob ng dalawang taon.

Pagkatapos umano niyang magpa-abort, nagbago raw ang ugali ng aktor kaya nagkaroon ng "mental and physical trauma" ang netizen.

Sinabi rin ng netizen na ibang-iba ang imaheng ipinapakita ng aktor sa TV dahil "cold-hearted and ungrateful" umano ito, at minumura ang mga nakakatrabaho nito.

Nakipag-break umano ang aktor sa netizen sa pamamagitan ng phone call dahil hindi raw nito maaaring isugal ang kanyang kinikita at popularidad.

Ayon pa sa netizen, marami siyang hawak na ebidensiya, gaya ng mga larawang magkasama sila, upang patunayan na totoo ang kanyang mga alegasyon.

KIM SEON HO FANS THREATEN TO TAKE LEGAL ACTION

Mabilis na kumalat ang Nate Pann article at nagkaroon ng espekulasyon kung sino ang "K" na tinutukoy ng netizen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito na nagsimulang madawit ang pangalan ni Kim Seon Ho, na ang apelyido ay nagsisimula sa letrang K.

Nakadagdag pa sa posibilidad na ang popular actor nga ang tinutukoy sa artikulo dahil sa pagbura ng Domino's Pizza ng kanilang endorsement ads tampok si Kim Seon Ho.

Dahil sa pagkakasangkot ng kanilang idolo, naglabas ng official statement ang South Korean fans ni Kim Seon Ho kahapon, October 18, upang kondenahin ang pagpapakalat ng hindi pa napapatunayang impormasyon sa online space na labis makakaapekto sa imahe at career ng aktor.

Nakasaad sa kanilang statement na nailathala sa allkpop.com, "There is currently a lot of speculation about actor Kim Seon Ho, and there is no way we can help but feel miserable, so we are issuing an official statement.

"Kim Seon Ho has emphasized that he needs to take care of himself not only in acting, but also in terms of personality and disposition. He stood in front of the public in a consistent manner, keeping his promise unchanged until now."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diin pa ng fans ni Kim Seon Ho, "His fans will not tolerate serious criminal acts that cause indescribable pain to the victim by spreading groundless facts through videos, posts, or comments in an online space that anyone can see or damaging a person's reputation, such as abusive language and insults."

Inanunsiyo rin ng fans ni Kim Seon na gagawa sila ng legal na hakbang sa mga nagkakalat ng mga maling impormasyon na nakakasira sa reputasyon ng aktor.

"The fans of Kim Seon Ho announce that they will take all possible legal measures, including criminal charges and civil damages, without any leniency or tolerance, with those spreading false facts to the end and are continuously monitoring those who demean his personality with serious swear words and insulting remarks.

"Please immediately stop any act that damages actor Kim Seon Ho's reputation by creating or distributing false facts, and furthermore, and delete all existing defamation posts."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SALT ENTERTAINMENT ISSUES STATEMENT

Naglabas na rin ng statement ang Salt Entertainment, na siyang namamahala sa career ni Kim Seon Ho, kaugnay ng kumakalat na rumor.

Ayon sa kanila, kinukumpirma pa nila sa kasalukuyan ang katotohanan sa anonymous post. Dahil hindi pa kumpirmado kung ano katotohanan, nakiusap sila sa lahat na maghintay muna.

Ito ang buong pahayag ng Salt Entertainment:

"We apologize for failing to deliver a statement promptly. The agency is currently confirming the facts regarding the anonymous post. As the truth of the matter has yet to be confirmed, we strongly ask that you all wait a little longer. Once again, we apologize for causing concerns through such unseemly news."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Popular Korean actor Kim Seon Ho is now trending on Twitter after his name is being dragged to an anonymous post of a netizen who revealed damaging information about an actor who is her ex-boyfriend.
PHOTO/S: Netflix
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results