Hindi nakaligtas sa ilang toxic Pinoy pageant fans ang kauna-unahang kandidata ng Bahrain sa Miss Universe na si Manar Nadeem “Jess” Deyani, 25.
Sa kanyang Instagram ngayong araw, December 10, ibinahagi ni Jess ang isang larawan kasama ang mga kapwa kandidata sa Miss Universe 2021.
Sa nasabing larawan, kasama ni Miss Universe Bahrain sina Miss Universe Bolivia Nahemi Uequin, Miss Universe Chile Antonia Cristal Figueroa, at Miss Universe Czech Republic Karolina Kokesova.
Sa larawan, tila hindi pa handa si Jess na makunan ng larawan dahil hindi man lang siya nakangiti at hindi pumormang beauty queen.
Hindi ito nakaligtas sa ilang feeling-perfect pageant fans, partikular na ang mga Pinoy, at kung anu-anong mga masasakit na salita ang ipinost nila sa comments section ng post na ito ni Jess.
Ini-screenshot ito ng kandidata ng Baharin at in-upload sa Instagram.
Narito ang ilan sa hindi kaaya-ayang komento kay Jess mula sa mga Pinoy:







Sa kabilang banda, may mga nagtanggol din sa kanya at tila chini-cheer siyang magkaroon ng energy.


“I HAVE NOTHING BUT LOVE FOR YOU”
Gayunpaman, hindi sumama ang loob ni Jess sa mga komento ng "bullies" mula sa Pilipinas.
Wala raw siyang ibang hangad kundi ang bigyan ng representasyon ang lahat ng uri ng kababaihan.
Sabi ni Miss Universe Bahrain: “I see so many bullies from these pictures.
"I am here to have a representation for all women regardless of the shape, size, religion or color.
"For the people who spread hate on social media—I have nothing but love for all of you.
"I hope that you find peace in your heart as me and my co-sisters unite to break the world's stereotypes of beauty. [praying hands emoji]”
Kahit na sinabihan siya ng masasakit na salita, nakuha pa niyang mag-Tagalog at sabihing mahal niya ang mga “kababayang” Pilipino.
Mensahe niya: “On a positive note—I wanna thank everyone who said inspirational things and for the kind messages! Love you, kabayans!
“Love, Your Miss Universe Bahrain Manar 'Jess' Deyani [crown emoji]
“PS. I’m not yet ready when this photo was taken [laughing emojis]”
View this post on Instagram
Si Jess ang kauna-unahang taga-Bahrain na lalaban sa Miss Universe, ayon sa thenationalnews.com ng United Arab Emirates (UAE).
Napili siya ng kanyang bansa na lalaban sa pageant noon lamang November 29.
Ayon pa sa kanya, kahit hindi siya katangkaran, lalaban siya para sa kanilang bansa.
Aniya, "I may be the shortest candidate in the history of Miss Universe, but I stand tall representing a country of love, peace and kindness—your first ever Miss Universe Bahrain."
Ang kandidata ng Pilipinas na si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez ang isa sa makakalaban ni Jess sa pageant.
