Hindi nakapasok sa Top 3 ang pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez sa ginaganap na Miss Universe 2021 pageant sa Eilat, Israel.
Ito ay matapos sumalang sa question-and-answer mula sa selection committee ang Final 5 candidates.
Ang mga nakapasok sa Top 3 ay sina Miss South Africa Lalela Lali Mswane, Miss India Harnaaz Kaur Sandhu, at Miss Paraguay Nadia Ferreira.
Ang tatlong natitirang kandidata ang sasalang sa final question-and-answer portion, na siyang magdedetermina kung sino ang hihiranging Miss Universe 2021 titleholder, first runner up, at second runner-up.
Ito ang mga kandidatang nag-advance sa Top 5.
Narito ang listahan ng Top 10.
Ito ang pasok sa Top 16.
