Pumanaw ang sikat na French actor na si Gaspard Ulliel halos dalawang buwan bago ipalabas ang kinabibilangan niyang Marvel series na Moon Knight.
Siya ay 37 taong gulang.
Nauwi sa trahedya ang skiing adventure ni Gaspard sa La Rosière ski resort sa French Alps sa Savoie, Southeastern France, noong Martes ng hapon, January 18, 2022.
Ayon sa ulat ng CNN, pagbaba niya sa tuktok ng ski resort ay bumangga ang aktor sa isa pang skier at pareho silang bumagsak.
Natagpuan siyang walang malay ng emergency team.
Isinakay si Gaspard sa helicopter at inilipad sa Grenoble University Hospital Center kunsaan binawian siya ng buhay kinabukasan, Miyerkules, January 19.
GASPARD ULLIEL'S WORKS
Sa Moon Knight, gumaganap si Gaspard bilang Midnight Man, na madalas kalaban ni Moon Knight (Oscar Isaac).
Kilalang magaling na aktor, si Gaspard ay ilang beses napabilang sa Cannes Film Festival para sa French films na A Very Long Engagement (2004) at La Princesse de Montpensier (2010).
Ang pagganap ni Gaspard sa biopic ni Yves Saint Laurent na Saint Laurent ay inilaban din sa Cannes noong 2014.
Nanalo siyang Best Actor sa pinakaprestihiyosong award-giving body sa France, ang Cesar Award, para sa family drama film na It's Only The End of The World. Nanalo rin ang naturang pelikula ng Grand Prix sa Cannes noong 2016.
Nakilala si Gaspard sa U.S. nang gumanap siya bilang young Hannibal Lecter sa Hannibal Rising noong 2007.
TRIBUTE FOR GASPARD
Ilan sa mga nakatrabaho ni Gaspard ay nagpaabot ng pagdadalamhati sa pagpanaw niya.
Ang direktor ng It's Only The End of The World na si Xavier Dolan ay nag-post sa Instagram ng alaala niya sa mahusay na aktor.
"It’s unbelievable, absurd, and so painful to even think of writing these words.
"Your discreet laugher, your caring gaze. Your scar. Your talent. Your listening skill. Your whispers, your kindness. All these personality traits that emanated from a shining softness.
"Your whole being transformed my life, a being that loved deeply and that I will always love. I can’t say anything more. I feel drained, shaken by your departure," saad ni Dolan sa salitang French.
Lubos ding nagdadalamhati ang direktor ng Hannibal Rising na si Peter Webber.
"Shocked and saddened to hear about the death of Gaspard Ulliel at such a young age in a skiing accident.
"I have such fond memories of working with him all those years ago on Hannibal Rising.
"Rest in peace, dear friend," tweet ni Webber.
Pati ang French prime minister na si Jean Castex ay ikinalungkot din ang balitang pumanaw si Gaspard.
Tweet niya, "Gaspard Ulliel grew up with cinema and cinema grew up with him. They loved each other madly.
"It's with a heavy heart that we will rewatch his most beautiful performances and catch his unique gaze.
"We have lost a French actor."