Watch Now

BTS' V "flirts" with Olivia Rodrigo at 2022 Grammys; "Filipina" and "Traitor" trend on Twitter

by Rachelle Siazon
Apr 4, 2022
BTS V Olivia Rodrigo 2022 Grammys
BTS' V, aka Kim Taehyung, draws kilig reactions from netizens when he was spotted whispering to Filipino-American pop sensation Olivia Rodrigo right before BTS' performance of "Butter" at the 2022 Grammys.
PHOTO/S: Twitter

Panalo ang gandang Filipina!

Trending ang kilig moment sa pagitan ng Filipino-American pop sensation na si Olivia Rodrigo at BTS idol na si Kim Taehyung o V sa 2022 Grammy Awards.

Ginanap ito Linggo ng gabi, April 3, 2022 (U.S. time) sa MGM Grand Garden Arena.

Hindi inasahan ng mga manonood ang pagtabi ni V, 26, kay Olivia, 19, sa audience bilang bahagi ng performance ng BTS ng "Butter."

Viral sa Twitter ang video clip kunsaan nakunan si V na tila nakakatunaw ang titig kay Olivia habang kausap ito.

Sabay inilapit ni V ang mukha para bumulong sa tainga ni Olivia.

Kunwa'y gulat ang reaksiyon ni Olivia na napangaga sa kung anumang sinabi ni V.

Biglang naglabas si V ng card, at itinuro ang stage at saka inihagis ang card na mala-James Bond style.

Pagkatapos ay sumalang na si V, kasama ang iba pang miyembro ng BTS, sa stage para sa much-anticipated performance nila ng "Butter."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasorpresa ang netizens na makitang nagka-moment sina Olivia at V.

Olivia Rodrigo, BTS, V, Kim Taehyung, 2022 Grammys

Nag-trend ang "Filipina" dahil si Olivia ay kilalang Filipino-American ang lahi. Pinoy ang ama ni Olivia na unang nakilala bilang Disney star.

Nanalo ang "Driver's License" singer bilang 2022 Grammys Best New Artist at Best Pop Vocal Album para sa album niyang "Sour."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Olivia Rodrigo, V

Olivia Rodrigo, BTS, V, Kim Taehyung, 2022 Grammys

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Olivia Rodrigo, BTS, V, Kim Taehyung, 2022 Grammys

May nakaalala pa sa dating pahayag umano ni V na type niya ang Filipina beauty.

Olivia Rodrigo, BTS, V, Kim Taehyung, 2022 Grammys

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwela namang humirit na brokenhearted ang ibang fans ni V at tinawag na "traitor" si Olivia sa pang-aagaw nito sa Korean heartthrob.

Ang "Traitor" ay sikat na hugot song ni Olivia na nag-trending din dahil sa kilig moment nila ni V.

Olivia Rodrigo, 2022 Grammys, BTS, V, Kim Taehyung

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BTS' V, aka Kim Taehyung, draws kilig reactions from netizens when he was spotted whispering to Filipino-American pop sensation Olivia Rodrigo right before BTS' performance of "Butter" at the 2022 Grammys.
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results