"I thought I was searching for a Disney Prince… but maybe what I really needed all this time was a Disney Princess."
Ito ang mensahe ng Australian actress na si Rebel Wilson sa Instagram nitong June 9, 2022, kasabay ng pagka-come out niya at pagpapakilala ng kanyang girlfriend.
May hashtag din itong #loveislove"
Kalakip nito ang larawan nila ng kanyang girlfriend na si Ramona Agruma, isang clothing brand founder.
Bago ang pakikipagrelasyon ni Rebel kay Ramona, naging boyfriend ng 42-year-old comedienne ang businessman na si Jacob Busch pero naghiwalay rin sila noong February 2021.

Pagkatapos nilang mag-break, sumabak si Rebel sa "Year of Love" experiment kung saan nakipag-date siya sa "about 50 people in tha one year."
Si Rebel ay unang tumatak sa mga manonood sa pamamagitan ng kanyang role bilang Fat Amy sa comedy movie na Pitch Perfect noong 2012.
Ilan pa sa mga pelikula niya ang How To Be Single (2016), Isn't It Romantic (2017), The Hustle (2019), Cats (2019), at Senior Year (2022).
