Queen Elizabeth II under medical supervision

by Jojo Gabinete
Sep 8, 2022
queen elizabeth II
Buckingham Palace: “Following further evaluation this morning, The Queen’s doctors are concerned for Her Majesty’s health and have recommended she remain under medical supervision. The Queen remains comfortable and at Balmoral.”

Marami ang nabahala para kay Queen Elizabeth II dahil sa pahayag na inilabas ng Buckingham Palace tungkol sa kanyang kalusugan.

Nakasaad dito: “Following further evaluation this morning, The Queen’s doctors are concerned for Her Majesty’s health and have recommended she remain under medical supervision. The Queen remains comfortable and at Balmoral.”

buckingham palace statement

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nagbigay ng kumpletong detalye ang Buckingham Palace tungkol sa tunay na kalagayan ng 96-year-old queen ng United Kingdom.

Ibinalita ng BBC na pinuntahan na ni Prince Charles sa Balmoral ang kanyang ina, samantalang papunta na rin si Prince William, ang Duke of Cambridge, sa kinaroroonan ng lola niya na nabiyuda noong April 9, 2021.

Sinabi ni Prime Minister Liz Truss na tiyak na ikababahala ng mga mamamayan ng United Kingdom ang balita tungkol sa kalusugan ni Queen Elizabeth II.

Pahayag niya: "My thoughts — and the thoughts of people across our United Kingdom — are with Her Majesty The Queen and her family at this time,"

Hinirang na prime minister ni Queen Elizabeth II si Truss sa Balmoral, imbes na pumunta ang reyna sa London.

Ang Balmoral ang summer holiday home ni Queen Elizabeth II sa Scotland, at dito siya nananatili mula pa noong July 2022.

Pitumpong taon nang nakaupo si Queen Elizabeth II bilang reyna ng United Kingdom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa kanyang mga kababayan, panahon na para magpahinga siya at magkaroon ng oras para sa sarili dahil sa edad niya.

Kung sakaling magpasya si Queen Elizabeth II na bumaba mula sa trono nito, si Prince Charles ang papalit sa kanya at magiging hari ng United Kingdom.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Buckingham Palace: “Following further evaluation this morning, The Queen’s doctors are concerned for Her Majesty’s health and have recommended she remain under medical supervision. The Queen remains comfortable and at Balmoral.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results