Sinampahan ng kaso ang Squid Game actor na si Oh Young Soo (O Yeong-su) noong November 24, 2022 dahil sa dahil sa alegasyong panghihipo sa isang babae noong mid-2017.
Ang Seongnam branch ng Suwon District Prosecutors Office ang nagdemanda sa 78-year-old actor “without detention.”
Nag-file ng reklamo ang biktima noong December 2021.
Isinara ng pulisya ang kaso noong April at hindi nagsampa ng anumang demanda laban kay Oh; pero muling binuksan ng prosekusyon ang imbestigasyon batay sa apela ng biktima.

Bagaman at itinanggi ni Oh ang alegasyon, isinailalim siya sa kostudiya.
Ayon sa ulat ng Korean media, ipinaliwanag ni Oh na hinawakan niya sa kamay ang babaeng nagreklamo habang namamasyal sila sa isang lake.
Idinagdag niya na ang paghingi niya ng apology sa babae noong isang taon ay hindi admission of guilt.
Si Oh ay nagtapos sa Dongguk University at may major sa theatre arts. Ang real name niya ay Oh Se-kang.
Nagsimula siya sa pag-arte noong 1963, at napabilang sa 1965 movie na The Seashore Village.
Kasama rin siya sa 2003 movie na na Spring, Summer, Fall, Winter... and Spring.
Mas kilala siya sa teatro bago siya gumanap bilang player No. 1, o si Oh Il-nam, sa Squid Game.
Sumikat si Oh sa kanyang papel sa Squid Game, at nagwagi bilang best TV supporting actor sa 2022 Golden Globe Awards.