Hiwalay na ang magkasintahang K-pop stars na sina HyunA at DAWN.
Ngayong Miyerkules, November 30, 2022, mismong si HyunA ang nagkumpirma sa breakup nila ni DAWN sa pamamagitan ng isang Instagram post.
“We broke up. We decided to remain as good friends and colleagues from now on,” mababasa sa post niya, ayon sa English translation ng South Korean entertainment website na Soompi. com.
Hindi man idinetalye ng Korean singer-songwriter ang dahilan ng kanilang hiwalayan, nagpapasalamat pa rin siya sa fans na patuloy na sumusuporta sa kanila.
Mensahe niya: "Thank you always for your support and for looking over us fondly."
Taong 2018 nang unang isapubliko ng dalawang K-pop idols ang kanilang relasyon, kahit noong 2016 pa sila "dating."
February 3, 2022, naiulat na engaged na sila nang mag-post si DAWN ng Instagram ng kamay nila ni HyunA na parehong suot-suot ng hinihinalang "engagement ring."
Caption ni DAWN: "“MARRY ME.”
Agad naman itong ni-repost ni HyunA na may caption na: “Of course it’s a yes [crying emojis]."
Si HyunA ay kilala bilang dating miyembro ng K-pop girl group na 4Minute at Wonder Girls, habang si DAWN naman ay dating miyembro ng all-male group na Pentagon.
September 2021 nang i-release nila ang kanilang first duet EP na "1+1=2."