Mariing itinanggi ng mga talent agency ng South Korean superstars na sina Hyun Bin at Son Ye Jin ang haka-hakang divorce na umano ang dalawa.
Magkasunod na naglabas ng official statements ang respective talent agencies nina Hyun Bin at Son Ye Jin nitong Lunes, March 20, 2023, upang pabulaanan ang napapabalita nilang hiwalayan.
Si Hyun Bin ay nasa pangangalaga ng VAST Entertainment, at si Son Ye Jin naman ay nasa talent agency na MSteam Entertainment.
Ayon sa report ng South Korean website na Soompi, nagmula sa isang YouTube vlog ang impormasyon na diumano’y divorce na sina Hyun Bin at Son Ye Jin matapos lamang ang anim na buwan nilang pagsasama bilang mag-asawa.
Ang impormasyong ito ay hindi nagtutugma dahil mahigit isang taon nang kasal ang dalawa.
Noong March 31, 2022 nangyari ang pag-iisang dibdib nina Hyun Bin at Son Ye Jin sa Aston House sa Grand Walkerhill Hotel sa Gwangjang-dong, Gwangjin-gu, Seoul.
Read: Crash Landing On You stars Hyun Bin and Son Ye Jin are getting married today
Base pa sa nasabing vlog, nalulong daw si Hyun Bin sa gambling kung kaya’t hiniwalayan siya ni Son Ye Jin.
HYUN BIN- SON YE JIN'S AGENCY RESPOND
Sa pamamagitan ng hiwalay na pahayag, nilinaw ng VAST Entertainment at MSteam Entertainment na walang katotohanan ang alegasyon laban sa kanilang mga talent.
Ayon sa talent agency ni Hyun Bin, kasalukuyan nilang iniimbestigahan ang YouTuber na nagpakalat ng maling impormasyon.
Saad nila, “[The YouTuber’s claims are] groundless. It is fake news. We are constantly monitoring the rumors. We plan to take legal action after an internal review.”
Pinabura na rin ng talent agency ni Son Ye Jin ang video kalakip ang pangako nilang pananagutin ang may sala sa pagpapakalat ng maling balita.
Mababasa sa statement ng MSteam Entertainment: “This is obviously fake news. We are constantly monitoring [the situation] internally, and we have already requested YouTube to delete the video. We will take strong measures, and we also plan to take legal action in relation to the content [of the video].”
Sina Hyun Bin at Son Ye Jin ay nagkamabutihan habang ginagawa nila ang K-drama hit series na Crash Landing On You, na umere noong December 2019 hanggang February 2020.
February 10, 2022 nang ma-engage sila.
Noong December 24, 2022, isinapubliko ni Son Ye Jin ang unang larawan ng anak nila ni Hyun Bin na si Baby Alkong.
Read: Son Ye Jin gives sneak peek at one-month-old son; thanks husband Hyun Bin
