Taliwas sa kuwento ng Netflix K-drama na The Glory, hindi ang bidang si Song Hye Kyo (Moon Dong-eun) ang nakatuluyan ng leading man na si Lee Do Hyun (Joo Yeo-jeong) sa tunay na buhay kundi ang gumanap na kontrabidang si Lim Ji Yeon (Park Yeon-jin).
May mga nag-aakalang April Fools Joke ang balitang ito tungkol kina Lee Do Hyun at Lim Ji Yeon, ngunit mismong ang talent agencies na kinabibilangan nila ang nagkumpirma ng ulat ng Korean news site na Dispatch na nagdi-date ang dalawang The Glory stars.
Nakasaad sa statement ng Artist Company, ang agency ni Lim Ji Yeon: “Lim Ji Yeon and Lee Do Hyun have gone from being close colleagues to the stage of cautiously getting to know one another better with positive feelings. We’d be grateful if you’d look warmly upon [their relationship].”
Ayon naman sa Yuehua Entertainment, ang kinabibilangang agency ni Lee Do-hyun: “After spending some time as close colleagues, the two of them developed an interest in one another, and they are cautiously getting to know each other.”
Ayon sa ulat ng Dispatch, nagsimula ang pagkakamabutihan nina Lee Do Hyun at Lim Ji Yeon pagkatapos ng isang trip ng buong cast ng The Glory last summer sa South Korea.
Kalakip ng ulat ang ilang paparazzi photos na kuha mula sa mga pagkakataong lumabas ang celebrity couple.
Kabilang dito ang mga larawang kuha umano sa parking lot ng apartment building kung saan nakatira sa Lee Do-hyun.


Nakasaad din sa ulat na personal na hinatid ni Lee Do-hyun si Lim Ji-yeon sa bahay pagkatapos ng dinner kasama ang cast and crew ng The Glory na dinaluhan din ng co-stars nilang sina Song Hye Kyo, Park Sung Hoon, Yeom Hye Ran, Jung Sung Il, Kim Hieora, Cha Joo Young, at Kim Gun Woo; pati na ang writer ng K-drama na si Kim Eun Sook.
Ang tawag pa nga raw ni Lee Do Hyun sa sarili ay "Lim Ji Yeon's manager."
Alam din daw ng mga totoong managers ng dalawa ang kanilang relasyon.
