Pumanaw na ang South Korean model-actress na si Jung Chae Yull.
Siya ay 26.
Ayon sa ilang reports, wala nang buhay si Chae Yull nang matagpuan sa kanilang bahay nitong Martes, April 11, 2023.
Ang malungkot na balita ay kinumpirma mismo ng kinabibilangang talent agency ng model-actress, ang Management S, sa pamamagitan ng isang official statement.
Mababasa sa kanilang statement (ayon sa English translation ng South Korean website na Soompi): "Today, we are relaying sorrowful and heartbreaking news.
"Actress Jung Chae Yull has left our side on April 11, 2023.
"In accordance with the wishes of the bereaved family who must have been in greater sadness than anyone else, the funeral will be held quietly in private.
"Please wish for Jung Chae Yull, who had always been earnest in her pursuit of acting, to rest in peace in a warm place."
Dagdag pa rito: "We earnestly request that you refrain from writing speculative articles or spreading rumors."
Unang nakilala si Chae Yull nang sumali siya sa 2016 reality TV show na Devil's Runway.
Noong 2018 ay nag-debut siya bilang aktres at mapabilang sa cast ng pelikulang Deep.
Simula noon, nagsunud-sunod na ang kanyang acting projects gaya ng K-drama series na Zombie Detective (2020) at I Have Not Done My Best Yet (2022).
Bago sumakabilang buhay, nakatakda sanang bumida si Chae Yull sa Wedding Impossible na nasa kalagitnaan na ng produksiyon.
