PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Female acrobat, nasawi matapos malaglag during aerial performance

Nabitawan niya ang ka-partner, ang kanyang mister.
by Bernie V. Franco
Published Apr 19, 2023
acrobat couple
Isang malagim na aksidente ang nangyari sa Anhui province, China, nang bawian ng buhay ang isang female acrobat matapos niyang mabitawan ang mister sa kanilang aerial performance.
PHOTO/S: courtesy of douyin

(Trigger warning: Mishap)

Nauwi sa isang malagim na trahedya ang aerial performance ng mag-asawang Chinese acrobat nang malaglag ang babae at hindi siya nasalo ng mister.

Nasa 30 feet ang taas ng mag-asawa habang nagpe-perform ng acrobatic stunt sa ere. Nahulog ang babae na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Read: Escalator incident sa SM City Santa Rosa, nagdulot ng trauma sa ilang biktima

Ayon sa report, nagtanghal ang mag-asawa sa isang outdoor stage sa isang nayon malapit sa siyudad ng Suzhou at nasa Anhui province ng China, noong Sabado, April 15, 2023.

Kinilala ng local media ang couple bilang si Sun at mister niyang si Zhang, parehong 37 anyos, ulat ng New York Post.

Nakunan sa video ang malagim na pangyayari. Nagpahayag ng puna ang mga tao sa social media, gaya ng kawalan ng safety measures, tulad ng safety net at cables sa mag-asawang acrobat.

HORRIFYING ACCIDENT DURING PERFORMANCE

Mapapanood ang mag-asawa na inangat ng cable: ang dalawang braso ng lalaki ay nakapulupot sa fabric na nakatali sa cable, habang ang babae ay ka-level at nakatapak sa paa ng kanyang mister.

Kasunod nito ay napayakap ang babae sa leeg ng lalaki. Makikitang nakalawit ang mga paa ng babae sa ere.

Nakapangingilabot ang sumunod na pangyayari: nabitawan ng babae ang pagkakayakap niya sa mister. Sinubukan ng mister na saluhin pa sana ang misis gamit ang kanyang paa, subalit nagmintis.

Nahulog ang babae 30 feet below.

Isinugod sa ospital ang babae subalit binawian na ito ng buhay.

acrobat couple

Ilang saglit bago mabitawan ng female acrobat ang pagkakayakap sa kanyang mister sa kanilang aerial performance

Diumano, nagkaroon pa ng argumento ang mag-asawa dahil tumanggi si Sun na maglagay ng safety line.

Itinanggi naman ni Zhang na nagtalo sila ng kanyang misis.

“We were always happy together. There was no fight,” aniya sa Yangzi Evening News.

Nangako naman ang mga awtoridad na magsasagawa sila ng masusing imbestigasyon kaugnay ng insidente.

Lumalabas sa initial investigation na kinontrata ng isang local farm business owner ang Anhui Yaxi Performing Arts Media Company na pangunahan ang pagtatanghal, ulat ng CNN.

Subalit nabigo ang kumpanya na makakuha ng permit mula sa mga awtoridad. Hindi rin nagtalaga ang company ng safety measures during the performance, ayon sa imbestigasyon.

Ayon sa state-run news site na The Paper, ibinida pa umano ng host sa audience na ang mag-asawa ay walang safety measures para magmukhang totoo ang kanilang performance.

Sinabi sa ulat na ang couple ay sampung taon nang kasal at may dalawang anak.

Magbibigay ng compensation ang kumpanya sa naiwang pamilya ng biktima.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang malagim na aksidente ang nangyari sa Anhui province, China, nang bawian ng buhay ang isang female acrobat matapos niyang mabitawan ang mister sa kanilang aerial performance.
PHOTO/S: courtesy of douyin
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results