Labis na nagluluksa ngayon ang K-pop world dahil sa biglaang pagpanaw ng ASTRO member na si Moonbin nitong Miyerkules ng gabi, April 19, 2023.
Siya ay 25.
Read: ASTRO'S Moonbin dies at 25
Kaugnay nito, inanunsiyo ng Fantagio, ang kinabinilangan niyang talent agency, na gagawing pribado ang burol at libing ng K-pop idol.
Bahagi ng inilabas na statement ng Fantagio ngayong Huwebes, April 20 (isinalin sa English ng news site na soompi.com): “The bereaved family of Moonbin, who is deeply saddened by the sudden unfortunate news, wishes to carry out the funeral quietly.”
Hiniling din nilang walang coverage o huwag kunan ng mga larawan at video ang mga makikiramay.
“They wish for the entire process of the funeral from the wake to the departure of the funeral procession to be carried out privately from the reporters, and the bereaved family members do not want coverage of those who are mourning.
"We sincerely ask that you make his last journey beautiful, and we earnestly ask for your deep condolences."
Nagbigay rin ng update ang Fantagio sa kalagayan ng ibang miyembro ng ASTRO matapos lumabas ang balitang pumanaw na si Moonbin.
Sina JinJin at Sanha raw ay personal na tumutulong sa pag-aasikaso ng burol ni Moonbin.
Si Cha Eun Woo, na pinakasikat na miyembro ng grupo, ay nasa biyahe na mula sa U.S. kung saan mayroon sana itong event.
Ayon naman sa isang source ng Fantagio, si MJ na kasalukuyang nasa military service ay pinayagang makapag-leave upang makapunta sa burol ni Moonbin.
Samantala, inanunsiyo naman ng Mystic Story, ang talent agency ng all-female K-pop group na Billie, kung saan kabilang ang nakababatang kapatid ni Moonbin na si Sua, na ititigil muna nila ang kanilang activities ngayong linggo bilang paggalang sa alaala ng pumanaw nhg K-pop star.
Para sa mga nangangailangan ng kausap at tulong dahil sa kanilang mental health issues, tumawag lamang sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at cellphone number 0966-351-4518.
