Viral recently ang TikTok video ng isang female content creator dahil kitang-kita rito ang ginawang pambu-bully diumano sa kanya ng dalawang “mean girls” na nahagip sa likuran.
Ang influencer na taga-Texas, U.S.A. ay si Jackie Garza, at may TikTok account na @jackielabonita.
Nagpapakuha ng picture si Jackie habang nakaupo sa audience area at nanonood ng baseball match.
Habang nagpo-project para sa picture, tuloy ang pagvi-video kay Jackie ng isang lalaki, na initially ay inakalang asawa niya, pero later on ay tinukoy na kapatid niya.
Makikitang pinagtawanan si Jackie ng dalawang babaeng nasa background.
Ang isa, dalawang ulit pang nag-middle finger at tiningnan nang matalim si Jackie na may pag-irap at tila may halong pangungutya.
Ipinost ni Jackie sa TikTok ang video na ito noong April 22, 2023.
Nangyari ang insidente noong April 19, 2023.
Caption ni Jackie: “Please be nice #meangirls #meangirlvibes”
Sa kanyang halos one-minute TikTok video, inamin ni Jackie na nasaktan ang kanyang damdamin.
“Watch my confidence disappear after these random girls make fun of me for taking pics,” bungad ng video ni Jackie.

Tila kinunan din ng video si Jackie ng isa sa babae, na mariringgang nagsabi ng salitang “lame.”
Kita rin sa video na nakipag-usap ang babae sa kanyang female friend sa katabing upuan.
Dinig na dinig umano ni Jackie na siya ang pinag-uusapan ng mga ito.
Makikita ang dalawang nag-make face sa camera at tumawa nang malakas kaya napansin sila ng iba pang tao.
Halata namang naging “super self-conscious” si Jackie dahil sa inasal ng dalawang babae.
“I wanted to cry,” pagtatapos ni Jackie sa kanyang TikTok video.
Mayroon nang 50 million views ang video at this writing.
Pinag-usapan sa social media ang eksena, at marami ang bumatikos sa dalawang "mean girls" dahil ang ginawa nila ay isa umanong form of bullying.
Ang simpatya ng netizens ay na kay Jackie.
Sabi pa ng isa, nasa pampublikong lugar si Jackie kaya’t may karapatan siyang magpakuha ng larawan.
Hindi rin daw katanggap-tanggap ang inasal ng dalawang "mean girls" na tila kinutya si Jackie.
Maging ang singer na si Cardi B ay napa-tweet matapos niyang mapanood ang video.
Aniya (published as is), “I would of put that ring to use” na halatang pagkondena sa ginawa ng dalawang “mean girls.”
[twitter:
I would of put that ring to use https://t.co/4CWhwtZqBI
— Cardi B (@iamcardib) April 23, 2023
MEAN GIRLS SPEAK UP
Dahil sa matinding pag-viral ng TikTok video, nakaabot ang isyu sa dalawang “mean girls” sa video ni Jackie.
Naglabas sila ng statement via TikTok para sa “Our Side of the Story.”
Nagpakilala sila bilang sina Liz at Alondra, na “college students, with jobs, and a life," at nagsalita sila dahil “false accusations” daw ang ibinato sa kanila.
Si Liz ang dalawang beses na nag-middle finger sa viral TikTok video.
Binanggit ni Liz na may napansin silang isang lalaking nagre-record sa kanila kaya nailang sila. Tumagal daw ng five to ten minutes ang pagvi-video sa kanila ng lalaki—na kapatid pala ni Jackie.
Katuwiran ni Liz, ang pagmi-middle finger niya ay para sa kapatid ni Jackie.
Pakiramdam daw ni Liz ay na-harass sila dahil may isang "older man" na nagre-record sa kanila sa isang public place.
Katuwiran naman ni Alondra, ang pag-make face nila sa video ay photobombing at hindi raw pambu-bully kay Jackie.
Sinabi rin ni Alondra na dahil sa video ay nakatanggap sila ng death threats at “horrible” messages.

Sina Alondra (left) at Liz
May netizens pa raw na nag-leak ng kanilang personal information, tulad ng home address ni Liz, dahilan para mangamba siya sa kanyang kaligtasan.
“What is happening to us… coming from millions of people, is honestly very scary,” sabi ni Liz.
“We would like to get some help from anybody as far as knowing what actions to take as far as this goes,” apela ni Liz.
Iginiit ni Alondra na hindi umano nila binu-bully si Jackie. At ang pag-photobomb umano nila at pagtawa nang malakas ay hindi raw big deal.
Hindi raw nila kilala si Jackie, pero dahil sa isyu, nadiskubre nilang pumapasok din pala ito sa kanilang university.
Ani Alondra, dahil sa pag-viral ng isyu, nalaman din nilang may “decent amount of following” ang content creator.
Kinondena rin nila ang tweet ni Cardi B dahil hinusgahan sila agad.
Katuwiran nina Liz at Alondra, dapat ay naging considerate din si Jackie sa privacy nila dahil nahahagip sila sa background.
Ang isyu raw nila ay ang matagal na pagvi-video ng kapatid ni Jackie, at makikitang hagip na hagip sila.
Pati raw ang pamilya ng boyfriend ni Alondra ay nadamay dahil binantaan din via social media.
Sinabi ni Liz na dahil sa pagkaka-edit ni Jackie sa video, nanganganib silang mawalan ng trabaho na magiging malaking problema dahil nasa college pa sila.
Iginiit ni Liz na ang video ni Jackie ay in-edit “to her advantage,” at ito ay “completely taken out of context.”
Pakiramdam naman ni Alondra, ginamit sila ni Jackie para lalong makahatak ng followers at makakuha ng likes at reactions.
Kinuwestiyon din niya kung bakit binura ni Jackie ang comments niya sa Instagram, kung saan nakiusap ang huli na kumalma ang lahat at huwag i-harass sina Liz at Alondra.
“If you’re gonna take down all the comments, then why don’t you just delete the video,” ani Alondra tungkol sa viral video na ipinost ni Jackie.
Nangatuwiran din si Alondra na ang pag-video at pagsabi ng “lame” ni Liz ay hindi nakadirekta kay Jackie, kundi knee-jerk reaction nang malamang kinukuhaan sila ng video.
Dahil sa nag-viral na video, kinuyog sila ng milyun-milyong netizens, at tumanggap ng pagbabanta sa kanilang seguridad at reputasyon.
Giit ni Alondra, bukas silang makipag-usap kay Jackie, na pinadalhan din nila ng mensahe para makipag-usap.
JACKIE MEETS THE "MEAN GIRLS"
Samantala, nitong weekend ay nag-post ng bagong TikTok video si Jackie bilang sagot ukol sa pangyayari.
Binanggit ni Jackie na ang kumukuha ng video ay kapatid niya.
Sinabi rin ni Jackie na nagtagal lamang ng tatlong minuto ang pagvi-video ng kapatid, taliwas sa sinabi ni Liz na five to ten minutes.
Marami rin daw ang nagmensahe sa kanya para ibahagi ang naranasan nilang form of bullying.
“It’s become clear that bullying doesn’t just stop in childhood or teenage years. But it can follow you into adulthood,” hayag ni Jackie.
“That’s a little concerning. It just gets swept in the rug.”
Sabi ni Jackie, bagamat nasaktan siya insidenteng iyon, “there is no need for more hurt.”
Nanawagan si Jackie na itigil ang bashing na ipinupukol kina Alondra, Liz, at sa kani-kanilang mga pamilya.
“I do not condone threats. I don’t condone the bullying. I don’t condone the harassment to them or anyone else.”
Sinabi rin ni Jackie na nakipagpulong na siya kina Liz at Alondra kasama ang isang mediator, “in a completely voluntary meeting in order to express and reflect upon this experience and our actions that evening and moving forward."

“They both gave me an in-person apology, and, honestly, that’s all I wanted. It’s all I was waiting for, really,” sabi ni Jackie.
"And I forgive them, and I really appreciate them for apologizing to me in person.
“I hope that this experience just makes us more aware of each other’s feelings and makes us more empathetic towards one another.”
May 7.4 million views na ang TikTok video na ito ni Jackie makalipas lamang ang tatlong araw.
JACKIE MADE IT TO THE NEWS IN 2017
Samantala, sa pagri-research ng PEP.ph sa Internet, nadiskubreng hindi ito ang unang beses na naging laman ng balita sa U.S. si Jackie.
Tampok siya noong December 2017 sa news sites—pati sa Independent UK site— matapos mailigtas mula sa pagkalugi ang bakery ng kanyang ama dahil sa isang tweet na nag-viral.
Ang laman ng artikulo ay tungkol sa naluluging bakery and café sa Houston, Texas, na pagmamay-ari ng Mexican immigrant na si Trinidad Garza, ama ni Jackie.
Dahil wala nang bumibili sa kanilang baked goods, nag-posts noon sa Twitter si Jackie ng video ng kanyang ama na nagbi-bake, kasama ang address ng bakery at paliwanag sa sitwasyon ng kanilang negosyo.
“Spread the word. One retweet could bring in a potential customer,“ ang pag-engganyo ni Jackie.
Ang tweet ay nag-viral at libu-libo ang nag-respond.
“Twitter did that,” ani Jackie tungkol sa pagdagsa ng customers.
Dahil dito nailigtas ang bakery nina Jackie mula sa pagkakalugi, at gumawa siya ng social-media account para sa kanilang business for updates.
Mahihinuhang dito nagsimula ang pagiging social-media influencer ng dalawa.
