PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hustisya para kay Marshall at mga asong nabaril

Breed discrimination?
by Chan-Chan Torres
Published May 23, 2023
Marshall and Millions
Ilang linggo man ang nakalipas, patuloy ang pagluluksa ng animal advocates sa pagpaslang sa dalawang American Staffordshire Terrier breed sa London, U.K.
PHOTO/S: Facebook

Marami ang nagulantang sa balitang may dalawang asong pinagbabaril nang walang kalaban-laban sa East London sa United Kingdom earlier this month.

Sina Marshall at Millions, parehong American Staffordshire Terrier breed, ay namatay sa kamay ng Metropolitan Police sa London.

Naging laman ng social media at mga pahayagan sa iba't ibang bansa ang trahedyang sinapit ng dalawang aso.

Si Marshall, three years old, at si Millions, nine months old.

Ang mga kawawang aso ay binaril ng Metropolitan Police sa harap mismo ng dow owner na si Louie Turnbull.

Read:

Walang permanenteng tirahan si Turnbull, at ang kasa-kasama lang niya ay ang dalawang aso.

Marshall and Millions

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TANGLED TRUTH?

Sa rami ng animal lovers sa mundo, hindi puwedeng isawalang-bahala na lang ang nangyari kina Marshall at Millions.

Ano nga ba ang sanhi ng pamamaril at pagkamatay ng mga kawawang aso?

Ayon sa Doncaster Free Press, pinagbintangan ng isang babae ang dalawang aso na inatake umano siya habang hawak ang kanyang pet dog.

Sa videos at pictures, makikita na parehong nakatayo ang dalawang dog owners kasama ng mga aso nilang naka-leash.

Sa obserbasyon ng mga Tiktok users, wala sa "attack mode" sina Marshall at Millions dahil nakaupo ang isa, habang lumapit naman ang isa pa while "wagging" its tail.

Bigla na lang nagsisisigaw ang babae, at agad na kinarga ang puti niyang aso sa pamamagitan ng mabilis na paghila sa collar nito.

Agad ding tumawag ng pulis ang babae.

Kalat na sa Tiktok ang video na ito, at mababasa sa comments secton ang gulat at galit ng mga netizens sa "screaming" mode ng babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang netizen sa TikTok na may handle name na @truecrimekay ang nag-post ng interview clip kay Turnbull pagkatapos ng malagim na nangyari.

Sinalaysay ni Turnbull ang kanyang bersiyon: ”What happened was we were sitting down, and like just telling a chat, and that this woman um…came with a little fluffy dog.”

Bigla na lang daw nagsisigaw ang isang babae.

“And my two dogs went over to sniff it, and she pulled the dog up with the leash, and it’s dangling in the air, you know.

“I mean, so obviously, the dogs try to jump up, like she then started swinging her dog around.

“My mates went up and grabbed the harness, and managed to pull my way.”

Pero patuloy raw sa pagsisigaw ang babae, at tumawag pa ng pulis.

Ani Turnbull, “I’ve got to walk away coz I live on a boat, so I’m trying to walk away to get the dogs on the boat.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

That time, mas gusto na lang niyang umalis lalo pa't masyadong agitated ang babae.

Ang continuation ng pangyayari ay nakuhaan din ng mga video, na ngayon ay kalat na kalat na sa social media.

Dumating ang mga pulis, at maririnig sa video ang pagtahol ng mga aso.

Ayon sa mga saksi, pinapa-surrender ang mga aso dahil sa pag-atake raw ng mga ito sa babaeng nag-report sa Metropolitan Police.

Makikitang tinalikuran nina Marshall at Millions ang mga pulis, saka akmang papalayo na rin si Turnbull na ayaw i-turn over ang mga alaga.

Subalit hindi sila tinigilan ng mga pulis, and by the time na humarap na muli ang dalawang aso, mas malakas na ang kanilang tahol.

Mga apat na segundo ring nabitawan ni Turnbull ang mga leash, pero agad niyang nahawakan ulit at nakontrol ang mga aso.

Sabi ni Turnbull, “Obviously, the dogs were trying to be protective of me. They were barking, but I had them on the lead.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I was keeping them away from the police.”

Pero paulit-ulit daw siyang sinabihan ng mga pulis na ibigay sa kanila ang mga aso, at kung hindi ay babarilin ang mga ito.

PITONG PULIS VS DALAWANG ASO

Anong laban ng dalawang aso sa pitong armadong pulis?

Kahit saang anggulo tingnan, walang habas at awa ang ginawang ito ng mga Metropolitan police kina Marshall at Millions.

Saad pa ni Turnbull, “They kept saying, ‘Give me the dogs! Give me the dogs! We’re gonna shoot them, we’re gonna shoot them!’”

Pero giit daw ni Turnbull sa mga pulis, “I was like, ‘You’re not taking my dogs,’ you know what I mean?”

Ayon sa reports, ginamitan daw ng stun gun si Turnbull kaya bumagsak siya sa pavement.

“Then the next minute, the cop shot Marshall on the head! I was covered with his blood, man…” salaysay ni Turnball na naging emosyunal.

Hindi na raw niya napansin kung paano binaril ang isa pa niyang alaga dahil maging siya ay na-shock sa gunshot kaya tumakbo palayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero matapos barilin ang dalawang aso ay hinabol at hinuli si Turnbull.

Marshall and Millions and policemen

Dumipensa agad ang mga pulis, at sinabing nilusob sila ng mga aso kaya binaril ang mga ito.

Pero sa mga video na lumabas, makikitang “under control” ang mga aso, nakatali ang mga ito, at hawak ng kanilang amo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Normal lang daw na tumahol ang mga ito lalo na't pitong tao ang kaharap nila at ramdam nila ang tensiyon.

Ganito ang pananaw ng mga netizens.

May mga photos at videos ding kumakalat sa social media na ipinapakitang hindi agresibong tipo ang breed nina Marshall at Millions.

DOG BREED DISCRIMINATION?

Sinasabing naging biktima ng dog breed discrimination ang dalawang aso.

Mapagkakamakalan kasi silang mga pitbulls, na ayon sa DogsBite.org, ay responsable sa "63 fatal dog attacks" sa U.S., at, ayon naman sa isang BBC, siyam na kaparehong insidente sa U.K.

Ang mga pitbulls ay "2.5x more likely to bite" kumpara sa ibang breeds.

At sinasabing ang pitbull attacks ay may mas mataas na "morbidity rates, hospital charges, and risk of death."

Samantala, ang lahi nina Marshall at Millions na kilala rin bilang AmStaffs ay inilarawan sa website ng Americal Kennel Club bilang "smart, confident, good-natured companions," and they can be a "loyal, trustworthy friend to the end."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sila ay "stocky, muscular bull-type terriers standing 17 to 19 inches at the shoulder," very trainable, responsibly bred, well-socialized.

Maraming netizens ang galit sa babaeng nagsumbong sa mga pulis.

Marami rin ang kumukondena sa mga pulis na tila ay naging padalus-dalos sa desisyon nilang barilin ang dalawang aso.

At base sa mga videos na kumalat sa social media, pinaniwalaan agad ng pulis ang sumbong ng babae.

METROPOLITAN POLICE STATEMENT

Sa isang statement na i-pinublish sa news and information website na cornwalllive.com, sinabi ng isang Metropolitan spokesperson, “Officers attended the location where the aggressive behaviour of two dogs was of concern and posed a significant threat to them.

“A man was arrested in connection with the incident for having a dog dangerously out of control and assault offenses. He has been taken into the police custody.”

Dagdag pa nito, “This is never an easy decision for an officer to take, but police have a duty to act where necessary before any further injury is caused.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, hindi raw humaharap sa media ang babaeng nag-report sa mga police.

According to her husband, the woman is “very upset” with what happened to the dogs.

Si Turnbull, na homeless, ay sinampahan ng kaso.

At kabi-kabilang rally at vigil ang nagaganap sa London para humingi ng hustisya para sa dalawang aso.

JUSTICE FOR MARSHALL AND MILLIONS

Kasama ang Pawssion Project at iba pang dog and animal lovers groups sa bansa ang sumusubaybay sa sinapit nina Marshall at Millions.

Isang non-profit organization dedicated to stray and homeless dogs ang Pawssion Project.

Meron din itong rehabilitation and rehoming programs para sa mga dogs in distress.

Dahil sa kaso nina Marshall at Millions, mas umigting ang galit at sumiklab ang damdamin ng animal advocate groups.

Kaisa ang mga Pinoy sa pagdamay sa pagkamatay nina Marshall at Millions.

Samantala, patuloy ang petisyon ng mga animal advocates na maging accountable ang mga pulis na bumaril sa sa dalawang aso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilang linggo man ang nakalipas, patuloy ang pagluluksa ng animal advocates sa pagpaslang sa dalawang American Staffordshire Terrier breed sa London, U.K.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results