Napilitan ang isang lola, 68, na imaneho ang isang eroplano at mag-crash landing dahil nakaranas ng medical emergency ang piloto, 80, habang nasa himpapawid.
Ang lola ay napilitang mag-crash landing sa runway sa Martha’s Vineyard Airport, sa Massachusetts, USA, Sabado, July 15, 2023, ulat ng CNN.
Habang papalapit na sa airport ang lumilipad na aircraft, biglang nakaranas ng “medical condition” ang piloto ng aircraft—isang Piper Meridian Turboprop six-seater plane, ayon sa statement ng West Tisbury Police Department.
Dakong ika-3:15 ng hapon ng Sabado nang mangyari ang insidente. Nanggaling sa Westchester, New York ang eroplano.
Minaneho ng lola ang controls at napilitang i-crash land ang aircraft sa damuhan malapit sa runway ng airport, pahayag ng Massachusetts State Police.
Dahil sa pagbagsak, nabiyak ang left wing ng aircraft. Isinugod ang piloto at pasahero sa ospital malapit sa lugar.
Read:
- Mom who used to be homeless has now traveled to 79 countries with her son
- Pagtanggal ng footwear sa airport checkpoints, istriktong ipapatupad

Mga minor injuries ang natamo ng lola, subalit kritikal ang kalagayan ng piloto.
Kinailangang ilipad ang piloto sa helicopter papunta sa isang Boston hospital dahil sa “serious, life-threatening condition,” ayon sa mga pulis.
Ang piloto at ang pasahero ay parehong Connecticut residents, ayon sa pulisya.
Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang National Transportation Safety Board, gayundin ang Federal Aviation Administration, gayundin ang mga awtoridad.
