PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Teen Girl Vandalizes Colosseum, Arrested with Parents

“She’s just a little girl," defends her parents.
by Bernie V. Franco
Published Jul 19, 2023
female vandalism colosseum
This 17-year-old teen is caught in video writing on the ancient amphitheatre Colosseum in Italy. A few weeks ago, a British guy, Ivan Dimitriv went viral following his video showing writing on the historic wall.
PHOTO/S: David Battaglino via ANSA

Dalawang linggo lamang ang nakalilipas matapos matukoy ang British guy na nag-vandalize sa pamosong Colosseum sa Rome, Italy, naulit na naman ang pangyayari.

Read: Natunton na! Turistang nag-ukit ng names sa Colosseum, nagmakaawa sa Italian authorities

This time, isang 17-anyos na dalagita ang na-video-han na nag-ukit sa ancient structure na itinuturing na largest amphitheater sa buong mundo.

Ang 2,000-year-old Colosseum ay idineklarang UNESCO World Heritage site noong 1980s.

Ang dalagita ay isang turista mula sa Switzerland at inimbestigahan ng Italian police dahil nakunan siyang nag-uukit ng letter “N” sa ancient Roman structure.

Naiulat ito sa AND Kronos, isang Italian news agency.

Sa kumalat na video, makikita ang isang blonde girl [naka-blur ang mukha], na naka-printed romper at nagsusulat sa pader ng Colosseum.

Maririnig na may nagpalakpakan, dahilan para mailang ang dalagita at umatras.

Hindi na tinukoy ang kanyang pagkakakilanlan.

Ipinost ang video sa Twitter account ng ANSA, ang leading news agency ng Italy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Translated caption ng tweet: "New disfigurement at the Colosseum, a Swiss tourist engraves her initials: she risks prison and a maximum fine. She was filmed by a guide and reported."

Read: Mom who used to be homeless has now traveled to 79 countries with her son

[twitter:

TOUR GUIDE VIDEOS 17-YEAR-OLD FEMALE VANDALIZING COLOSSEUM

Ang video ng dalagita ay kuha ng isang local tourist guide na si David Battaglino.

Ikinuwento ni David sa Italian newspaper na La Republica kung paano niya nakunan ng video ang ginawa ng dalagita.

Kasalukuyan daw iniikot ni Battaglino ang grupo ng mga turista sa Colosseum nang ituro sa kanya ang ginagawa ng dalagita.

Kahit nagsasalita sa harap ng mga turista, naisipang kunan ng video ni Battaglino ang ginagawa ng dalaga.

Matapos raw palakpakan ng mga turista si Battaglino, sinabihan niya ang dalaga ng, “Do you want applause?’”

Napagtanto raw ng dalagita na nabisto ang pagkakamali niya kaya umurong siya at tumakbo papunta sa kanyang mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabihan daw ni Battaglino ang mga magulang na illegal ang ginawa ng kanilang anak.

Katuwiran daw ng mga magulang, “She’s just a little girl, she wasn’t doing anything wrong,” ulat ng La Republica.

Kinunan ng larawan ni Battaglino ang pamilya at isinumbong ito sa mga may kapangyarihan.

Dinala ang dalaga at ang kanyang mga magulang sa police headquarters sa Piazza Venezia para matanong.

Read: Lola, ni-landing ang eroplano matapos magka-medical emergency ang piloto

Kapag napatunayang nagkasala, maaaring makulong ang salarin ng limang taon at bayad na 15,000 euros o $17,000 o higit PHP900,000.

Hindi naman naglabas ng reaction ang state police at Ministry of Culture ng Italy nang kunan ng reaksiyon, ulat ng Insider.

Sinabi ni Battaglino na unang beses niyang makunan ng video ang isang nagva-vandalize, pero maraming beses na niyang nasaksihan ang mga nagbabandalismo sa anim na taon niyang pagiging tour guide.

Minsan na rin daw siyang dinuraan nang sitahin niya ang pagbabandalismo ng isang batang lalaki.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nito ring Hulyo ay kinilala ang 27-anyos na British fitness trainer na nag-ukit ng mga katagang “Ivan+Hayley23” sa Colosseum gamit ang isang susi.

Read: Pinaghahanap: Turistang inukit ang pangalan nila ng dyowa sa ancient Colosseum

Kinilala ang Briton bilang si Ivan Dimitrov na nagsulat ng apology letter sa mayor ng Rome na si Mayor Robert Gualteri.

Inilahad ni Dimitrov na pinagsisisihan niya ang kanyang ginawa.

Ang excuse ni Dimitrov ay hindi umano niya alam na isang ancient structure ang Colosseum na inukitan niya ng mga letra.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This 17-year-old teen is caught in video writing on the ancient amphitheatre Colosseum in Italy. A few weeks ago, a British guy, Ivan Dimitriv went viral following his video showing writing on the historic wall.
PHOTO/S: David Battaglino via ANSA
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results