PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Japan's Interpreter for Tom Cruise

Siya si Notsuko Toda.
by Bernie V. Franco
Published Jul 27, 2023
Tom Cruise and Natsuko Toda
Nagtagal ng 30 years ang pagiging interpreter ni Notsuko Toda sa Hollywood actor na si Tom Cruise. Noong 2022, ipinaalam ni Notsuko sa aktor na nagretiro na siya at hindi na magiging interpreter ni Tom sa pagbisita sa Japan para i-promote ang kanyang pelikulang Top Gun: Maverick. Dumating si Tom ahead of schedule at nakipagkita kay Notsuko.
PHOTO/S: YouTube (Magazine Summit)

Nagbitiw na ang pinakatanyag na translator turned Hollywood interpreter sa Japan.

Siya ay si Natsuko Toda, 86.

Si Natsuko ay tinaguriang “Japan’s Most Famous Film Translator” at “Subtitle Queen” dahil daan-daang English-language films na ang isinalin niya sa wikang Hapon mula pa noong 1970s.

Mula sa pagiging translator, kalaunan ay naging interpreter siya ng Hollywood stars kapag bumibisita sa Japan.

Isa na rito si Tom Cruise.

Read: Trending: Stir-fried dish na ang sangkap ay bato

Mission impossible cast in Japan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Cast of Mission Impossible: Fallout in Japan in 2018. Tom Cruise (in pink long sleeves) with Natsuko Toda, as his interpreter

May mga online photos ding makikita si Natsuko na kasama si Johnny Depp.

Si Natsuko ang naging interpreter ni Johnny sa Japan nang i-promote ng aktor ang pelikulang Pirates of the Caribbean.

Read: YouTuber gumawa ng fully functional 8-foot iPhone 14 Pro Max

Johnny Depp and Notsuko Toda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero mas matagal at mas malalim ang ugnayan ni Natsuko kay Tom.

Bumibilang ito ng 30 years.

Nagsimulang maging interpreter ni Tom si Natsuko noong 1994, ulat ng 8 Days, isang Singaporean online magazine.

Pero nang bumisita si Tom sa Japan noong 2022 para i-promote ang pelikula niyang Top Gun: Maverick, hindi na si Natsuko ang kanyang interpreter.

Nagretiro na pala ito.

NOTSUKO'S RETIREMENT AND MEET-UP WITH TOM

Naitampok recently si Natsuko sa Japanese publication na The Change, at dito ay inilahad niya ang pagreretiro bilang interpreter at ang pagkikita nila ni Tom.

Sa panayam, inamin ni Natsuko na hindi siya bilingual, at ang translations niya ay “not at a professional level.”

Dahil sa pagiging movie subtitler niya sa film industry, hindi kataka-taka na kalaunan ay kinuha siyang interpreter.

Ibinahagi rin ni Natsuko sa interview na kukunin dapat siyang interpreter nung bumisita si Tom sa Japan taong 2022 para i-promote ang Top Gun: Maverick,

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero nag-iisip na siyang magretiro noon.

Malalim ang naging hugot ni Natsuko. Alam niya kasing ibinubuhos ni Tom ang best niya sa lahat ng ginagawa.

Ani Natsuko: “He’s a perfectionist, regardless of whether he’s filming a movie or a commercial, or appearing at a press conference. He gives it his all.

“As his interpreter, I must also put in 200 percent of my effort, so that things will go smoothly.”

Dahil na rin sa kanyang edad, pakiramdam ni Natsuko, hindi na niya kayang sabayan ang energy ni Tom.

Isang buwan bago dumating si Tom, ipinaalam na ni Natsuko sa Hollywood actor na nagretiro na siya.

Umasa pa raw si Tom na magbabago ang kanyang isip, subalit desidido na si Natsuko.

Kuwento ni Natsuko sa The Change: “I told him that I retired about a month before he visited Japan, and he jokingly replied: ‘Can't you really not do it anymore? You still want to be my interpreter, right?’ However, he knew that I’d made up my mind.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, naglaan pa rin ng oras si Tom sa kanyang kaibigang interpreter.

Dumating si Tom sa Japan isang araw ahead of schedule at nakipagkita kay Natsuko.

“We chatted very enthusiastically for over three hours, talking about movies, family, and our hobbies, everything and anything," lahad ni Notsuko.

“Although we’ve known each other for 30 years, every time we meet, it’s for work, and the schedule is extremely packed. This is my first time chatting with him like this in private,” ani Natsuko.

Sa kanilang pag-uusap ay nabanggit daw ni Tom na babalik siya sa Japan para i-promote ang kanyang current movie na Mission Impossible – Dead Reckoning Part 1 at inimbita siya.

Nakansela ang trip ni Tom sa Japan, subalit naimbitahan pa rin si Natsuko bilang special guest sa premiere ng pelikula.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagtagal ng 30 years ang pagiging interpreter ni Notsuko Toda sa Hollywood actor na si Tom Cruise. Noong 2022, ipinaalam ni Notsuko sa aktor na nagretiro na siya at hindi na magiging interpreter ni Tom sa pagbisita sa Japan para i-promote ang kanyang pelikulang Top Gun: Maverick. Dumating si Tom ahead of schedule at nakipagkita kay Notsuko.
PHOTO/S: YouTube (Magazine Summit)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results