PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ipon ng lola na PHP358K sa cardboard box, pinapak ng anay

Mapalitan pa kaya ito sa bangko?
by Bernie V. Franco
Published Jul 31, 2023
shredded money bill
Viral ang FB post ni Khairul Azhar na nagpapakita ng larawan ng pera ng kanyang lola na kinain ng anay. Gagamitin sana ito para sa pilgrimage ng kanyang lola next year.
PHOTO/S: Facebook (Khairul Azhar)

Nauwi sa wala ang malaking halagang ipon ng isang lola matapos itong papakin ng anay.

Ito ang sinapit ng isang Malaysian woman sa kanyang mga perang papel na nagkakahalaga ng 30,000 Malaysian Ringgit, katumbas ay 8,700 Singaporean dollars o PHP358,000, na itinago niya sa isang cardboard box.

Ipinost sa Facebook ni Khairul Azhar, apo ng Malaysian woman, ang larawan ng sira-sirang perang papel nito lamang July 24, 2023.

Viral na ang naturang post.

Read: PHP50,000 ipon ng tindero ng yelo, inanay; mapapalitan kaya ng BSP?

Gagamitin sana ng babae sa susunod na taon ang kanyang naipon para sa Hajj o ang taunang Islamic pilgrimage sa Mecca, Saudi Arabia.

IPON NG LOLA, MAISASALBA PA BA?

Ayon pa kay Khairul sa post, na translated mula sa wikang Malay, "It is not my grandmother's (fortune) to go to Mecca. Lesson learnt. Don't keep so much cash at home."

Kalahati raw ng pera ay dinala sa Bank Negara Malaysia para malaman kung mapapalitan pa ang mga ito, pero ang kahalati ay hindi na nailigtas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section, may mga nagmungkahi na sa halip na cardboard box, gumamit ng lata ng biscuit para mas ligtas.

At reminder din ng netizens, kung mag-iipon, tiyakin na maayos ang magiging taguan.

Read: Neil Severino, nakapagtapos ng college dahil sa kanyang leaf art

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Viral ang FB post ni Khairul Azhar na nagpapakita ng larawan ng pera ng kanyang lola na kinain ng anay. Gagamitin sana ito para sa pilgrimage ng kanyang lola next year.
PHOTO/S: Facebook (Khairul Azhar)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results