Magkasabay na inanunsiyo ng Prime Minister ng Canada na si Justin Trudeau at ng kanyang misis, ang former television host na si Sophie Grégoire Trudeau, ang kanilang paghihiwalay sa pamamagitan ng Instagram post noong Miyerkules, August 2, 2023.
Walang palatandaang may problema sa pagsasama ng mag-asawa kaya marami ang nagulat sa kanilang desisyong maghiwalay.
Read: Canadian Prime Minister Justine Trudeau on self-quarantine; wife tests positive for COVID-19
Nakasaad sa joint statement ng Trudeau couple: “Hi everyone, Sophie and I would like to share the fact that after many meaningful and difficult conversations, we have made the decision to separate.
“As always, we remain a close family with deep love and respect for each other and for everything we have built and will continue to build.
“For the well-being of our children, we ask that you respect our and their privacy. Thank you.”
Hindi na idinetalye nina PM Trudeau at Sophie ang dahilan ng kanilang pasyang maghiwalaya.
Nagpakasal sina OM Trudeau at Sophie sa Sainte-Madeleine d’Outremont Church sa Montreal, Canada, noong May 28, 2005.
Biniyayaan ng tatlong anak ang pagmamahalan nila na tumagal ng 18 taon.
Nang magdiwang ang mga Trudeau ng kanilang 17th wedding anniversary noong 2022, nagbahagi si Sophie ng saloobin sa kanyang social media post. Dito niya inaming walang relasyong perpekto.
Saad niya sa kanyang Instagram post noong May 28, 2023, “Together for 19 years, married for 17, we have navigated through sunny days, heavy storms, and everything in between and it ain’t over.
"You all know I keep things honest: long-term relationships are challenging in so many ways. They demand constant work, flexibility, compromise, sacrifice, devotion, patience, effort, and so much more.
“None of us are perfect and so there is no perfect relationship, but love is only true when it keeps you safe, sets you free, and makes you grow."
Ikinalungkot din ng mga Pilipinong humahanga sa Canadian Prime Minister ang kinahinatnan ng pagsasama nila ng kanyang asawa.
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipinong makasalamuha si Trudeau nang dumalo ito sa APEC Summit na idinaos sa Pilipinas noong November 2015 at sa Asean Summit na ginanap din sa ating bansa noong November 2017.
Dahil sa kanyang artistahing hitsura, binansagan ni Trudeau na "#APEChottie" na dinumog ng Pinoy fans sa unang pagkakataon na pagdalaw niya sa Pilipinas noong 2015.
Read: Even Pinays are going gaga over photos of young Justin Trudeau
Tumanggap din siya ng mga papuri dahil sa kanyang suot na barong Tagalog na gawa ng Filipino fashion designer na si Paul Cabral.
