Ilang zoo sa United Kingdom ang nag-post sa social media para ibida ang kanilang sun bears matapos pag-usapan kung totoo ang oso sa isang zoo sa China.
Matutukoy na reaction nila ito kaugnay ng issue sa pagkuwestiyon sa sun bear sa isang zoo roon.
Sa caption ng posts ng UK zoos, iginiit nilang totoong oso ang Malayan sun bear, bagamat may mga katangian itong wangis sa tao.
Nag-viral recently ang kuhang video ng Malayan sun bear sa Hangzhou Zoo sa China dahil pinagdududahan ng ibang netizens kung tunay nga ba itong oso.
Ang sabi nila, isa raw itong tao na nakasuot ng bear costume.
Ang tindig daw kasi ng oso na nakatayo ay parang tao.
At dahil sa kulubot nito sa may bandang puwitan, parang nakasuot daw ito ng costume.
Pero nanindigan ang zoo sa China na oso ito at hindi fake bear.
Read: VIRAL: Pekeng oso sa zoo? Zoo management, sumagot na
UK ZOOS FLEX THEIR 100% GENUINE SUN BEARS
Nag-post sa Instagram ang Paradise Wildlife Park sa Hertfordshire, England.
Ipinost nito ang video ng sun bear ng zoo na si Kyra.
“We can confirm that Kyra is a sun bear,” sabi sa maiksing caption.
Makikita ang oso na naglalakad sa apat na paa at pagkatapos ay tumayo na animo’y tao.
Nag-post ito ng pangalawang video ni Kyra at may ganitong caption: “We can confirm that Kyra is still a sun bear...”
Isa sa hashtags na ginamit ay #china, indikasyong reaction ito sa recent issue ng oso sa China zoo.
Nag-post din ang Edinburgh Zoo ng picture ng sun bear nitong si Rotana.
Ang caption: “We can confirm that Rotana IS a sun bear”
Sumagot sa comments section ang Paradise Wildlife Park ng, “yeah same…,” na malinaw na pagtukoy sa sun bear nitong si Kyra.
Malaman ang reply ng Edinburgh Zoo: “@paradisewildlifepark glad we both have real 100% genuine sun bears that are not even a little bit fake.”
Read:
- Raw vegan food influencer, namatay sa gutom at malnutrition
- Meet Alma Roque, 48-year-old nanay who earns 5 digits from online gaming and live streaming

Sinakyan naman ng netizens ang isyu, at ang biruan nila at kantiyawan ay sumesentro kung fake ba o totoo ang mga oso sa posts.
Marami rin ang comment na naghahanap ng “crinkled underpants” na siyang naging basehan ng ilang netizens kaya raw nasabi nilang ang sun bear sa China ay naka-costume lang na tao.



Ang sun bears ang sinasabing “smallest bears in the world” na singlaki lang ng aso, habang ang pinakamalaki ay umaabot lamang ng 50 inches tall. Nasa nine feet naman ang taas ng ibang oso tulad ng grizzly bear.
