PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Social Media Star Dies in Fall from Building

Posibleng napagod sa paglambitin
by KC Cordero
Published Aug 7, 2023
Photos of Remi Enigma
Sikat sa social media, ang Instagram daredevil na si Remi Enigma ay isang Hong Kong-based photographer na naakyat na ang matataas na towers, buildings, cranes, tulay, poste at maging transmitters buong mundo bago naganap ang aksidente.

Namatay ang kilalang social media stunt photographer na si Remi Lucidi, 30, noong August 3, 2023, matapos mahulog mula sa isang 68-story Hong Kong residential skyscraper.

Tinatayang nasa 721 feet ang pinupuwestuhan ni Remi nang mahulog ito.

Photo of Remi Enigma

Read: Unggoy nang-snatch ng purse ng turista, paano nabawi?

Sikat sa social media bilang si Remi Enigma, ang pumanaw na Instagram daredevil ay isang Hong Kong-based photographer na nakaakyat na sa matataas na towers, buildings, cranes, tulay, poste, at maging transmitters sa buong mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ulat ng Mail Online noong August 5, nakita si Remi ng isang maid na kumakatok sa bintana ng penthouse para makapasok muli sa building.

Sa kasamaang palad, nahulog ito bago pa may dumating na tulong.

Pinaniniwalaang na-trap si Remi sa labas ng top floor penthouse ng Trengunter Tower complex habang nagkukuha ng mga larawan niya.

Read: Lucila Datuin, "basura" ang kalidad ng produkto noon, successful bag maker na ngayon

NAPAGOD DAHIL WALANG NAGBUKAS NG BINTANA

Isang kaibigan ng pumanaw, na isang urban climber na hindi na nagpakilala, ang nagsabing posibleng na-stuck sa labas ng bintana si Remi at hindi na nakapagmaniobra sa ganoong posisyon.

At dahil nagtagal nang nasa labas at walang nagbukas ng bintana, napagod si Remi at hindi na nakayanang humawak nang matagal sa kinakapitan.

Read: Cancer survivor, naka-jackpot ng PHP50M as lotto bettor

Nakausap pa umano ng kaibigan si Remi ilang araw bago ang aksidente. Excited ito sa gagawing pag-akyat sa mga building sa Hong Kong, at ipinakita pa ang magagandang shots nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkakilala sila noong 2020 sa pamamagitan ng Instagram.

Ibinahagi rin ng kaibigan na hindi nito sigurado kung naakyat na ni Remi ang Trengunter Tower—gayunpaman, sinabi nitong sa bawat pag-akyat, ang pagpaplano ay hindi naman laging tight.

Nagkayayaan pa umano sila na bumisita sa France, at maging sa Egypt para akyatin ang Great Pyramid.

Read: Retokadang model pinakita ang shocking transformation sa "18 vs. 34" photo

NILUSUTAN LANG ANG SECURITY NG BUILDING

Noong gabing mamatay sa aksidente, dumating si Remi sa tower bandang 7:30 p.m.

Sinabi niya sa security guard na bibisitahin niya ang isang kaibigang nasa 40th floor.

Itinanggi naman ng residente sa naturang floor na kilala nito ang thrill-seeker, at sinabing paraan lang iyon ni Remi para malampasan ang security ng building.

Read: Raw vegan food influencer, namatay sa gutom at malnutrition

Nakita rin sa building surveillance camera footage na lumabas si Remi sa elevator sa 49th floor bago gumamit ng hagdan para marating ang pinakamataas na level 68.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sarado ang pintuan sa rooftop, pero pinuwersa niya itong buksan.

Nakuha ng Hong Kong police sa lugar ng aksidente ang kanyang sports camera. Naglalaman iyon ng videos ng extreme sports na kanyang kinahihiligan.

Photo of Remi Enigma

Karamihan sa mga photos na naka-post sa kanyang Instagram ay makikita na nakabitin siya sa pinakatuktok ng mga buildings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganito rin marahil ang plano ni Remi sa kanyang pinakahuling adventure.

Read: Trabaho sa gobyerno ang hanap mo? Bisitahin ang CSC Job Portal

UNIQUE AT MATAAS ANG LEVEL OF SKILLS

Sa Instagram kung saan mayroon siyang mahigit 3,000 followers ay ibinahagi ni Remi ang photos and videos ng kanyang climbing adventures.

Ang pinakahuli niyang posts ay nasa ibabaw siya ng high-rise scaffolding and buildings sa Dubai at Bulgaria, at ang pagbalanse niya sa gilid ng isang 980-foot-high chimney sa France.

Karamihan sa footage ay nagpapakita ng kanyang mapanganib na pag-akyat nang hindi gumagamit ng anumang safety harnesses.

Photo of Remi Enigma

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anim na araw bago ang kanyang kamatayan, nag-post pa siya ng photos habang nasa Times Square in Causeway Bay, Hong Kong.

Ikinalungkot ng mga kapwa-explorer ni Remi ang kanyang pagpanaw.

Isinalarawan ng mga ito ang daredevil bilang “unique” at mataas ang level of skills sa pag-akyat.

Read: Pet owner, proud sa kanyang 12-kilo cat: “Many people think that it’s a dog...”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sikat sa social media, ang Instagram daredevil na si Remi Enigma ay isang Hong Kong-based photographer na naakyat na ang matataas na towers, buildings, cranes, tulay, poste at maging transmitters buong mundo bago naganap ang aksidente.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results