Kakatwa ang nangyari sa isang Russian family habang nakapila sa Emirates check-in counter sa Barcelona-El Prat Airport (BCN), Spain.
Isa sa family member ang may dalang Louis Vuitton suitcase.
May nakapatong pa sa suitcase na isang Hermès Birkin bag.
Read: Social media star na climbing ang content, patay nang mahulog sa 68-story building

Tiwala siguro ang nasabing miyembro ng pamilya kaya hindi nito masyadong tinitingnan ang mga bagahe.
Nagulat na lang ito nang mapansing nawawala na ang Louis Vuitton suitcase at ang Hermès Birkin bag.
Naganap ang insidente noong August 2, 2023.
Napag-alaman sa mga inisyal na ulat na dalawang kawatan ang nagawang masikwat ang mga bagahe nang hindi napapansin ng may-ari at ng mga awtoridad.
Read: Lucila Datuin, "basura" ang kalidad ng produkto noon, successful bag maker na ngayon
BONGGA ANG MGA BAGAHE pati mga laman
Hindi birong kayamanan ang laman ang mga bagahe—na may kabuuang halaga na €8.5 million o PHP520,535,979.
Ang Hermes Birkin bag na napapalamutian ng ginto at diamond ay nagkakahalaga ng US$2 million—o mahigit PHP111 milyon.


Bukod dito, may laman din itong €4.5 million diamond ring—o PHP275,577,871.
Kasamang natangay ang mga sumusunod na designer jewelry pieces:
- €800K (PHP48,991,621.62) Bvlgari watch
- €750K (PHP45,929,645.27) Chanel brooch
- €500K (PHP30,619,763.51) diamond earrings
- €250K (PHP15,309,881.76) Tiffany diamond bracelet
- €100K (PHP6,123,952.70) Versace diamond choker
- €45K (PHP2,755,778.72) Chopard watch, €10K (PHP612,395.27)
Bukod pa rito ang cash at iba pang gamit.
Read: Unggoy nang-snatch ng purse ng turista, paano nabawi?
Ayon sa ulat ng OneMileAtaTime, isang travel website, naging kampante marahil ang pamilya kahit ganoon kalaki ang halaga ng kanilang bagahe.
Sa sobrang yaman ng mga ito, baka para sa kanila ay ordinaryong halaga lang ang dalang bagahe kahit pa commercial ang kanilang flight.
Posibleng hindi rin sila sanay na kailangang bantayan ang mga dala-dalahan.
Dahil Russian ang mga ito, at nagbibiyahe sa European Union, hindi option ang private jet na direct flight sa Russia kaya kinailangan nila ng connecting flight sa Dubai.
Read: Cancer survivor, naka-jackpot ng PHP50M as lotto bettor
2 KAWATAN NAHULI
Ayon pa sa ulat ng website, walang indikasyon na ang pamilya ay may masamang intensiyon sa kanilang pagbiyahe, kaya hindi maiisip na ang pagkawala ng mga bagahe ay isang scam para maka-claim ng insurance para sa mga mamahaling items.
Talaga lang sobrang yaman ng mga pasehero, at hindi naging maingat sa mga dala-dalahan.
Ang magandang balita, nasakote rin ng airport police ang dalawang kawatan.
Nasundan ng mga awtoridad ang naging movement ng mga ito mula sa paglabas sa airport at pagpunta sa isang rental car center para mag-arkila ng sasakyan.
Naipadala ang impormasyon tungkol sa inarkilang sasakyan ng mga ito sa iba pang police units sa labas ng airport.
Agad naaresto ang dalawang kawatan makalipas ang dalawang oras.
Nabawi rin sa mga ito ang Hermès Birkin, at maging ang mga laman.
Read: Retokadang model pinakita ang shocking transformation sa "18 vs. 34" photo
MAGING MAINGAT SA LOOB NG AIRPORT
Hindi pa masabi kung random ang ginagawang pagpuntirya ng dalawang kawatan sa magiging biktima depende sa mamahaling bagahe ng mga ito.
O sadya bang target nila ang Russian family, at matagal na nilang sinusubaybayan dahil alam nilang kayamanan ang nasa bagahe ng mga ito?
Risky umano ang magnakaw sa loob ng airport lalo pa at matao at maraming security cameras, pero bakit hindi natakot ang mga ito na gawin ang krimen?
Paalala ng website sa lahat ng biyahero—mayaman man o hindi—na huwag aalisin ang tingin sa bagahe kapag nasa airport.
Marami ang nag-aakala na safe na basta nasa loob na ng airport terminal, at hindi na basta-basta mananakawan dahil maraming tao.
Pero mas madaling masalisihan ng mga magnanakaw, lalo na kung hindi alerto sa ma nangyayari sa paligid.
Read: Raw vegan food influencer, namatay sa gutom at malnutrition
