Nag-viral sa mainland China ang video ng isang lalaki na binili lahat ang tindang pakete ng noodles ng isang street vendor sa halagang 850 yuan (US$120) o PHP6,778.38.
Pagkatapos, itinapon ang mga binili sa kalsada.
Ayon sa ulat ng South China Morning Post noong July 30, 2023, nangyari ang insidente noong gabi ng July 24, dahil ininsulto ng vendor at ng anak nito ang lalaking customer.

Hindi na pinangalanan ang lalaki na nagmula sa Shandong province sa eastern China.
Read: Meet Jayne Burns, 101 years old and still working; mahilig siya sa makeup at shopping
LALAKI NAMAHALAN SA ISANG BOWL NG NOODLES
Ang dahilan ng panlalait ng mag-ama, nagkomento umano ang lalaki na sobrang mahal ang tindang bowl ng instant noodles na nagkakahalaga ng 14 yuan (US$2) o PHP112.97.
Makulit din ang lalaki sa paghingi ng ingredients para sa binili nitong bowl ng instant noodles.
Pero na-shock ang lalaki nang sabihin ng vendor na ang sahog ng noodles ay itlog lang talaga at dalawang piraso ng dahon ng gulay.
Tanong nito sa vendor, “How is it possible to sell at 14 yuan each? Too expensive, isn’t it?”
Read: Criminology student napa-graduate ang sarili dahil sa pagiging make-up artist
Hindi na siya pinansin ng vendor, at sumenyas ito na umalis na lang siya.
Tinanong ng lalaki ang vendor kung bakit itinataboy siya nito.
Saka tumayo raw ang anak na lalaki ng vendor, at sinigawan siya.
Singhal umano ng anak sa kanya, “If you can’t afford it, then get out of there!”
Read: 32-year-old nanay namatay sa sobrang pag-inom ng tubig

Read: Kid's writing technique earns praises from netizens
Nairita ang lalaki at itinanong kung magkano ang kada pakete ng noodles at bibilhin niyang lahat.
Ibinenta naman ang mga iyon sa kanya ng vendor sa halagang 850 yuan.
Matapos mabayaran ay itinapon ng lalaki ang mga pakete ng noodles sa kalsada, at saka tinapakan at dinurog.
Nagbigay pa umano ang lalaki ng dagdag na bayad sa mag-ama matapos durugin ang mga noodles.
Hindi na nabanggit kung magkano ang kanyang idinagdag na bayad.
Read: Inakay na napulot ng magsasaka sa CamSur, isa palang Philippine Hawk Eagle
MAS NAKINABANG ANG MAG-AMA?
Ayon sa lalaki, nag-sorry naman sa kanya ang anak ng vendor.
Pero argumento niya, “But it is useless. Can’t I smash the things I own?”
Matapos mag-viral ang video, naging tampok ito ng diskusyon sa Chinese social media.
Tanong ng isang netizen, “He scolded you, and you rewarded him with 850 yuan. Are you OK?”
Komento ng isa, “It’s a youthful indiscretion.”
Tingin naman ng iba ay mas nagbenepisyo ang mag-ama sa ginawa ng lalaki.
Sabi ng isang user, “There are many ways to vent his anger, and he chooses to make the stall owner happy.”

Read: Lotto winner na PHP5.9M ang jackpot prize, tuwang-tuwa: "Matutupad ko na ang pangarap kong bahay.”
Biro naman ng isa, “Nice business strategy from the shopkeeper. Keep insulting customers and they will buy all your stuff.”
Karaniwang nagte-trending sa China ang mga videos at social media content tungkol sa customer-service conflicts.
Nitong June, isang babae ng siningil ng dagdag na 300 yuan (US$42) o PHP2,372.92, habang nasa isang bar sa eastern China.
Ayon sa post ng babae, kaya siya pinagbayad ng extra ay dahil hindi siya nakakapag-create ng “vibrant enough vibe.”
Isang Chinese barbecue restaurant manager naman sa eastern China pa rin ang lumuhod sa isang customer na nagreklamo sa haba ng pila. Naganap ang insidente noong May, at ikinagulat ito ng maraming internet users.
Read: Model nakipag-date "completely naked"; suot niya ay body paint
