Tinanggihan ng Malaysian heiress na si Angeline Francis ang bahagi ng kanyang mamanahin sa US$300 million (halos PHP16.9 bilyon) assets ng kanyang ama para mapakasalan ang kanyang boyfriend.
Ang kanyang desisyon ay ikinagulat ng buong mundo.
Si Angeline ay anak ng influential business magnate na si Khoo Kay Peng at ni 1969 Miss Malaysia Pauline Chai.
Ikaapat siya sa limang magkakapatid.
Read: Bakit maliit ang pagkalalaki ng ancient Greek statues?

Read: Mas type nga ba ng mga babae ang matangkad na lalaki?
Ang kanyang ama ang chairman ng Malaysian United Industries. May share din ito sa Laura Ashley, isang British lifestyle and design brand, at sa Corus group of luxury hotels.
Nagkakilala sina Angeline at ang kanyang naging mister, ang Caribbean-born na si Jedidiah Francis, noong nag-aaral pa sila sa Oxford University.
Ang kanilang pagkakaibigan ay nauwi sa pagmamahalan.
Matapos ipagtapat sa kani-kanilang pamilya ang kanilang relasyon, dumanas na ang magkasintahan ng maraming problema.
Kabilang na rito ang napakalaking agwat ng kalagayan nila sa buhay. Binigyan si Angeline ng kanyang ama nang makadurog-pusong ultimatum—hiwalayan niya si Jedidiah, at kung hindi, wala siyang mamanahing kayamanan.
Mas pinili ni Angeline ang tibok ng kanyang puso.
Pormal din niyang idinistansya ang sarili sa mga negosyo ng kanyang ama.
Read: Aso, "bad influence" sa amo; drinking buddies ang dalawa
HINDI NAHIRAPANG MAGDESISYON
Nagsimula si Angeline ng panibagong life journey sa piling ni Jedidiah na kanyang pinakasalan noong 2008.
Nanirahan sila nang independent, at malayo sa kani-kanilang pamilya.
Read: Candy Crush Saga-inspired dress may 5-digit price tag; isa rin itong bean bag na mauupuan

Read: Remembering Babette Villaruel
Sa panayam ng Daily Mail kay Angeline noong July 24, 2017, nag-open up siya sa kanyang naging desisyon.
Paliwanag niya, “I believed Dad’s stance was wrong, so there was no question about what was right.”
Aminado naman siya na kung magmamana siya nang malaking pera, makakagawa siya ng maraming bagay at magkakaroon ng maraming options.
Pero pasubali niya, “But there are also things that come with it, such as control. Money amplifies negative characteristics, and that can cause problems.”
Hindi rin umano siya nahirapan nang magdesisyon na piliin ang pag-ibig kapalit ng kayamanan.
“To walk away from that was actually very easy. I didn’t even consider it.”
Read: Meet Sibulan, 3-year-old Philippine eagle na na-rescue sa Mt. Apo
MULING NAKAHARAP ANG PARENTS
Makalipas ang ilang taon matapos ang kanyang desisyon, sa isang emosyunal na biro ng tadhana, muling nakaharap ni Angeline ang kanyang parents sa isang korte sa London.
Nagdesisyon ang kanyang ama at ina na maghiwalay na.
Naging testigo siya ng kanyang ina sa isinagawang divorce proceedings.
Pinanindigan ni Angeline sa kanyang testimonya na hindi masusukat ang naging kontribusyon ng kanyang ina sa kanilang pamilya.
Aniya, pinalaki silang magkakapatid nang maayos, habang ang kanilang ama ay laging abala sa trabaho nito.
In 1980s, nanirahan ang pamilya sa Canada, habang naiwan ang ama sa Malaysia.
Read: Believe it or not, may tindahan na matatagpuan sa gitna ng mataas na rock wall sa China

Read: Kumbinasyon ng dalawang klase ng puno sa Oregon forest, nakalikha ng giant smiley face
Inihayag din niya sa korte na kung ang puso ang tatanungin, mas gusto niyang huwag maghiwalay ang kanyang parents.
Aniya, “He had everything: a loyal, beautiful, smart wife, and children who love him regardless of whether he has money or not.”
Sa panayam ay sinabi rin niyang vulnerable na ang kanyang ama dahil sa edad nito. At the time of the divorce, 77 years old ang kanyang ama.
“When you don’t have that much longer ahead of you, you shouldn’t spend your days being angry and resentful.”
Tuluyang naghiwalay ang kanyang parents noong 2017, at nakakuha ang ina ni Angeline ng $85 million (o PHP4.8B), na binansagang isa sa "biggest divorce payouts in recent history."

Naitatag naman ni Angeline ang Rosie on Fire, isang luxury kimono brand.
Ang kanyang mister na si Jedidiah ay nakapagtayo rin ng sariling business, ang Jed.ai, isang start-up company na nagde-develop ng disruptive, sustainable, and ethical artificial intelligence (AI) applications.
Read: Oldest goldfish in recorded history, naging silver ang kaliskis after 43 years
