Nakikilala ngayon sa TikTok si Pattaramon Thocharoen, 27, isang road sweeper sa Thailand.
Kilala rin siya sa kanyang nickname na “Bow.”
Dalawa na ang kanyang anak na parehong lalaki—isang nine years old at isang six years old.
Mayroon siyang mahigit 300,000 TikTok followers, at karamihan sa mga ito ay nagsasabing siya ang “Thailand’s most beautiful street sweeper.”
Read: Airport employee, dalawang beses nagsauli ng napulot na pera, iba pang items

Read: 7 Persian cats na nagmana ng PHP16M, ang daming gustong umampon
Gayunpaman, sa kabila ng kanyang unti-unting pagsikat, sinabi ni Bow na inookray siya ng ilan.
Bakit daw siya laging naka-makeup gayung tagalinis lang siya ng kalsada?
Sa panayam sa kanya ng The Strait Times noong August 20, 2023, tanong ni Bow sa mga bumabatikos sa kanya sa social media, hindi ba siya puwedeng maging maganda habang ginagampanan ang kanyang mabigat na tungkulin?
Aniya, “It’s for my own satisfaction.”
Read: Heart Charm Necklace ni Barbie, dalawang beses nang sold-out
GOAL NIYA ANG MAGING MAGANDA
Ang mga TikTok videos ni Bow ay laging nakakatawa, at makikita siyang sumasayaw o nagre-react sa mga nakatatawang karanasan niya sa paglilinis ng kalsada.
Halimbawa rito ay kapag hinahanap niya ang walis na parating nawawala.
May isang video na excited siyang nag-retouch ng kanyang makeup nang malaman niyang naka-aasign siya sa isang kampo na malapit sa mga sundalo buong araw.
Read: VIRAL: Nagreklamong customer dahil sa presyo ng noodles vs nang-insultong vendor

Read: Meet Jayne Burns, 101 years old and still working; mahilig siya sa make-up at shopping
Nag-post din siya ng video na nasa likod siya ng isang water truck at nagpuputol ng mga damo, pero kitang-kita ang kanyang bagong well-manicured na mga kuko.
Kuwela rin ang pakikipagtitigan niya sa isang aso sa kalye, pati ang kanyang pagpo-pose.
Noong isang taon ay nag-post naman siya ng kanyang pagra-rant laban sa isang matandang babae na sinabihan siyang masyado siyang nagpapaganda gayung isa lang siyang street sweeper.
Ani Bow sa video, ang goal niya sa buhay ay maging maganda.
“We have to make ourselves as happy as possible.”
Ang nasabing video clip ay nakakuha ng halos four million views.
Read: Model nakipag-date "completely naked"; suot niya ay body paint
KUMIKITA SA SOCIAL-MEDIA ENGAGEMENTS
Ipinagmamalaki ni Bow ang kanyang pagiging street sweeper.
Dahil sa trabahong ito, nasuportahan niya ang mga magulang, na parehong retirado na ngayon.
Isang street sweeper din ang kanyang ina, habang garbage truck driver naman ang kanyang ama.
Sa araw-araw, kumikita siya sa pagkokolekta ng basura, paglilinis ng aspalto, at pag-aayos nang glamorosa habang ginagawa ang mga trabaho.
Read: Lotto winner na PHP5.9M ang jackpot prize, tuwang-tuwa: "Matutupad ko na ang pangarap kong bahay.”

Read: Kid's writing technique earns praises from netizens
Bilang empleyado ng Bangkok Metropolitan Authority, ang suweldo niya ay nasa 12,000 baht (PHP19,421.25) kada buwan.
Pero malaki ang kita niya sa social-media engagements.
Umaabot ito sa 50,000 baht (PHP80,921.87) kada buwan sa pamamagitan ng brand reviews at product sales, kabilang na rin ang virtual TikTok Gifts mula sa kanyang followers na ikino-convert niya sa cash.
Read: 32-year-old nanay namatay sa sobrang pag-inom ng tubig
HINDI LIFETIME ANG SOCIAL-MEDIA FAME
Ayon kay Bow ay mas financially stable siya ngayon.
“I’m able to spend more on small things like choosing express delivery when shopping online or having nice meals with my family.”
Aware si Bow na anumang oras ay lilipas ang kanyang TikTok fame kahit pa gaano kabongga ang kanyang make-up at manicure.
Read: Lasing na empleyado, nag-text ng thank you sa amo: “Boss, let me tell you this...”

Read: Meet Venus: Ang pusa na may dalawang mukha
Ito aniya ang dahilan kaya hindi pumapasok sa kanyang ulo ang kasikatan.
Ang ginagawa niya, iniipon niya ang malaking bahagi ng kanyang extra income para sa mga anak.
Masaya rin siyang nakakapagbahagi sa ibang tao kung ano ang kanyang pananaw at opinyon tungkol sa buhay.
“Many people assume that those in my profession don’t have thoughts or attitudes to express about life, but we do.”
Ayaw rin ni Bow na ituring ang sarili na isang influencer.
Mas gusto pa rin niyang makita siya ng mga tao bilang isang street sweeper na mahilig lang gumawa ng TikTok videos.
Aniya, “If I can spread positivity while doing my job and looking good, why not?”
