PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Most Beautiful Transgender of Thailand

Si Poyd Treechada ay trans beauty queen.
by Bernie V. Franco
Published Aug 26, 2023
Poyd Treechada and Phakwa Oak Hongyok
Naging laman ng mga balita nang ikasal ang trans woman Thai model and actress na si Poyd Treechada sa mayamang negosyante na si Phakwa “Oak” Hongyok.
PHOTO/S: @poydtreechada on Instagram

Inilarawan ng transgender woman na si Poyd Treechada ang kanyang buhay bilang isang married woman.

Si Poyd ay kilalang Thai model at actress, at nabansagan noon bilang “Most Beautiful Transgender” ng Thailand dahil isa rin siyang beauty queen.

Noong 2004, itinanghal siyang Miss International Queen at Miss Tiffany.

Ikinasal siya noong Marso 2023 sa isang mayamang tagapagmana, ang Thai businessman na si Phakwa “Oak” Hongyok.

Read: Tagapagmana mas pinili ang pag-ibig kaysa milyones

Poyd Treechada and Phakwa Oak Hongyok

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wedding of trans woman Poyd Treechada and her husband Phakwa Oak Hongyok.

Naging laman ng mga balita ang kanilang pagpapakasal.

Kilala ang pamilya ni Oak sa Thailand bilang mayamang angkan na nasa hospitality business.

Si Oak ang nagpapatakbo ng Baan Ar Jor, isang heritage hotel and museum sa Phuket.

Sa nasabing hotel ay naroon din ang Michelin-starred Bib Gourmand restaurant.

Read: VIRAL: Suspects na “ang lalakas ng loob" mang-holdap sa Cavite restaurant

POYD ON MARRIED LIFE

Sa isang gender equality event noong April 2023, inilarawan ni Poyd ang kanyang married life as “normal with a little adjustment.”

Ayon sa ulat ng khaosodenglish.com, binanggit niya ang kahalagahan ng mas mahabang pasensiya at mas pinag-isipang desisyon sa marriage.

Kailangan din daw na unahin ang pamilya, at maging handa na baguhin ang mga plano, gaya na lang ng pagpapamilya. Hindi na nagdetalye si Poyd.

Sa kabila ng mga pagsubok, masaya raw si Poyd sa bago niyang responsibilidad.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, inusisa rin si Poyd kung paano niya nakuha ang loob ng pamilya ng kanyang mister na may lahing Chinese.

Aniya, may lahi rin siyang Chinese.

Ramdam daw agad ni Poyd ang pagtanggap ng kanyang in-laws nang ipakilala siya ni Oak. Ganun din ang pamilya ni Poyd kay Oak.

At bago raw nag-propose ang kanyang mister, kinausap muna ng huli ang pamilya ng Thai actress-model.

Read: Archdiocese in Pangasinan discovers saint's statue has been switched; original missing 7 years now

Poyd Treechada and Phakwa Oak Hongyok

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, ine-enjoy raw muna ng mag-asawa ang kanilang married life at wala pa silang plano para sa “next step.”

Abala raw ang kanyang mister sa pag-asikaso ng kanilang negosyo, at si Poyd ay abala sa kanyang showbiz commitments at travels.

Poyd aND Oak's LOVE STORY

Hindi ito nagsimula sa love at first sight.

Higit 20 years na silang magkakilala at dating schoolmates.

Ang close friend ni Poyd ay nagkataong nakababatang kapatid ni Oak kaya masasabing they go a long way.

Sumailalim sa surgery si Poyd noong 17 anyos pa lamang siya bilang bahagi ng kanyang transition.

Sinimulan niya ang kanyang showbiz career noong 19 anyos siya.

poyd treechada

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilan lamang sa mga pelikulang ginawa niya ay The White Storm at From Vegas to Macau II.

Taong 2022 nang ianunsiyo ng dalawa ang kanilang engagement, at binati pa sila ng mga kilalang personalidad sa Thailand.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging laman ng mga balita nang ikasal ang trans woman Thai model and actress na si Poyd Treechada sa mayamang negosyante na si Phakwa “Oak” Hongyok.
PHOTO/S: @poydtreechada on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results