Natural na dahilan ang pagpanaw ng American television host na si Bob Barker sa kanyang tahanan sa Los Angeles, California, nitong Sabado, August 26, 2023.
Siya ay 99.
Read: Lovi Poe is now married to Monty Blencowe
Isinilang noong December 12, 1923, itinuturing na alamat si Barker dahil sa kanyang husay at mga parangal na tinanggap.
Ang “Come on down!” ang isa sa mga catchphrase na pinasikat niya bilang host ng popular game show na The Price Is Right.
Labing-apat na beses nagwagi ng Daytime Emmy Award for Outstanding Game Show Host si Barker para sa The Price Is Right, ang longest-running game show sa Amerika.
Noong 1999, ginawaran siya ng Lifetime Achievement Award ng Daytime Emmy.
Si Barker ang host ng The Price Is Right mula 1972 hanggang 2007.

MISS UNIVERSE HOST
Popular din si Barker sa pageant fans dahil dalawampu’t isang taon siyang nagsilbing host ng Miss Universe, mula 1966 hanggang 1987.
Si Bob ang emcee nang manalo si Gloria Diaz bilang kauna-unahang Pilipinang Miss Universe sa Miami, Florida, USA, noong July 19, 1969.

Bob Barker (left) after announcing Gloria Diaz of the Philippines as Miss Universe 1969
Siya ang humamon kay Gloria na pangalanan nito ang labing-isang kapatid sa interview portion ng Miss Universe 1969.
“Can you name your nine sisters and two brothers?” tanong ni Barker kay Gloria.
Sinagot muna siya ni Gloria ng “Alphabetically or according to rank?” bago binanggit ang pangalan ng kanyang mga kapatid.
Si Barker din ang host nang magwagi si Margarita "Margie" Moran bilang Miss Universe 1973 na idinaos sa Athens, Greece.

Bob Barker with the newly crowned Miss Universe 1973 Margie Moran from the Philippines
“Let’s make believe that all of a sudden, you have a million dollars, what’s the first thing you would buy and why would you buy it?” tanong ni Barker kay Margie sa final question-and-answer portion ng 22nd Miss Universe.
“A house and lot ‘coz it’s the most expensive thing and I can’t afford it so if I had a million bucks, I’ll buy a house and lot and live by myself,” ang winning answer ni Moran.
Nang sumunod na taon, 1974, bumisita si Barker sa Pilipinas, ang unang bansa sa Asya na naging host country ng Miss Universe.
Barong Tagalog ang suot ni Barker bilang host ng 23rd Miss Universe na ginanap sa Folk Arts Theater noong July 21, 1974.

Ipinaglalaban ni Barker ang karapatan ng mga hayop na pangunahing dahilan kaya tinalikuran niya ang pagiging host ng Miss USA at Miss Universe.
Bilang advocate ng animal rights, mahigpit na tinutulan ni Barker ang paggamit ng fur coats ng mga beauty pageant contestants na para sa kanya ay isang uri ng karumal-dumal na pagmamalupit sa mga hayop.
