Kumpirmadong hiwalay na ang singer na si Ariana Grande, 30, at asawa nitong si Dalton Gomez, 28.
Ito'y matapos ang mahigit dalawang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa.
Ayon sa ulat na inilabas ng TMZ, isang entertainment website sa Amerika, nitong Linggo September 18, 2023, pormal nang naghain ng divorce si Ariana sa Los Angeles.
Agad din din daw itong pirmahan ni Dalton.
Ayon sa lawyer ni Ariana, "irreconcilable differences" ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.
Read: Ariana Grande speaks up about sudden weight loss: “You never know what someone is going through…”
Hindi rin daw naging madali sa international pop star at sa real estate agent nitong asawa ang kanilang desisyong maghiwalay kaya ilang buwan ding tumagal bago sila nag-file ng divorce.
Saad ng source ng TMZ, "[Ariana and Dalton were] taking their time together to slowly work through the details of the agreement privately.
"They’ve been really caring and respectful of one another through every step of this process."
Noong January 2023 unang pumutok ang balitang hiwalay na sina Ariana at Dalton.
Ito'y matapos mapansin ng fans ng "Thank You, Next" singer na hindi na nito suot ang kanyang wedding ring nang minsang dumalo siya sa Wimbledon tennis tournament sa London.
May espekulasyon ding matapos mahiwalay ni Ariana kay Dalton ay nali-link naman sa kanya ang Wicked co-star niyang si Ethan Slater, na nakipag-divorce din sa ex-wife nitong si Lilly Jay noong July 2023.

Samantala, noong January 2020, nagsimulang magkamabutihan sina Ariana at Dalton.
January 2021 naman nang ma-engage sila.
Hanggang noong May 2021, ikinasal ang dalawa sa Montecito, Southern California.
