Sumakabilang buhay na ang beteranong South Korean actor na si Byun Hee Bong noong Lunes, September 18, 2023, matapos ang ilang taon niyang pakikipaglaban sa sakit na cancer.
Siya ay 81.
Ayon sa ulat ng South Korean website na Soompi, mismong ang pamilya ni Byun Hee Bong ang nagkumpirma sa malungkot na balita.
Pancreatic cancer ang sanhi ng pagkamatay ng aktor na dati nang idineklarang gumaling sa sakit na ito.
Mababasang pahayag ng pamilya niya, “Byun Hee Bong passed away while fighting a recurrence of pancreatic cancer, which had previously been declared cured.”
Si Byun Hee Bong ay kilala sa kanyang grandfather roles sa mga K-drama series gaya ng My Girl (2005) ni Lee Dong Wook; My Girlfriend Is A Gumiho (2010) nina Shin Min A at Lee Seung Gi; at Pinocchio (2014) nina Lee Jong Suk at Park Shin Hye.

Read: Lee Jong Suk opens up about how friendship with IU turned into romance
Bago pasukin ang mundo ng pag-arte, naging theater at voice actor muna si Byun Hee Bong noong 1965.
Bukod sa mga hit K-drama series, napasama rin siya sa ilang pelikula ng Oscar-winning filmmaker na si Bong Joon Ho gaya ng Memories of Murder (2003), The Host (2006), at Okja (2017).
Nanalo siya bilang Best Supporting Actor sa 51st Asia Pacific Film Festival para sa kanyang pagganap sa The Host.
Read: All about Lee Seung Gi's career, love life, and controversies
