Pinagbabayad ng malaking halaga ang isang suspek matapos niyang palitan ng fake ang tatlong original paintings na kanyang ibinenta.
Ang perang nakuha, ipinambili ng salarin ng properties at mamahaling gamit, tulad ng apartment at luxury watches.
Ang maysala pala ay empleyado mismo ng isang museum sa Munich, Germany. Ang perang galing sa benta ay ginamit para mamuhay nang marangya.
Read: Painting, binili ng PHP200 sa second-hand shop, original pala na abot PHP14M ang presyo
Inamin ng empleyado ang ginawa niyang pamemeke.
Dahil dito, nahatulan siya ng suspended prison sentence na one year and nine months, at kailangang magbayad ng $63,500 (PHP3.6 million) sa German museum.
Ang halagang ito ay katumbas ng napagbentahan ng original paintings.
Ang desisyon ay ibinaba ng Munich District Court noong September 11, 2023, ulat ng Artnet.com.
Read:
- "Most Handsome Police Officer" sa venue ng 19th Asian Games, pinagpipiyestahan
- Inabandonang kuting, ni-rescue ng animal lover; isa nang full-grown black panther
THREE ORIGINAL PAINTINGS STOLEN
Ang 30 anyos na empleyado na namasukan bilang technician ay nagnakaw ng tatlong original paintings sa Deutsches Museum sa Munich.
Pinalitan niya ng fake copies ang original paintings na nakatago sa storage, at pagkatapos ay dinala ang mga original paintings sa Munich auction para masubasta.
Nangyari ang pagnanakaw ng paintings sa loob ng dalawang taon — mula May 2016 hanggang April 2018.
Ginamit ng empleyado ang napagbentahan para pambayad ng utang at mamuhay nang marangya.
Saad sa hatol, “Among other things, he bought a new apartment, expensive wristwatches, and bought a Rolls-Royce.”
Dagdag nito: “The defendant shamelessly exploited the opportunity to access the storage rooms in the employer’s buildings and sold valuable cultural assets in order to secure an exclusive standard of living for himself and to show off.”
Pinagsisisihan na ng empleyado ang kanyang ginawa.
Sabi pa sa hatol: "He stated that he had acted without thinking. He could no longer explain his behavior today.”
Ang unang painting na naibenta niya ay ang Das Märchen vom Froschkönig (The Fairy Tale of the Frog King, 1891) ni Franz von Stuck na nabenta ng $74,000 (PHP4.2 million).
Kumita ang lalaki ng $52,000 (PHP2.9 million) matapos iawas ang auction house fees.
Ang dalawa pang original paintings na pinalitan ng peke at naibenta ay ang Zwei Mädchen beim Holzsammeln im Gebirge (Two Girls Gathering Wood in the Mountains) ni Franz vonz Defregger, at ang Die Weinprüfung (Tasting the Wine) ni Eduard von Grützner.
Ang presyo ng dalawang painting ay umabot ng $12,700 o higit PHP700,000.
Ang lalaki ay nakapag-uwi ng kabuuang $64,000 (PHP3.6 million)
Tinangka pa ng empleyado na magbenta ng ika-apat na painting subalit hindi ito naibenta ng auction house.
Sinisikap ng Deutsches Museum na mabawi ang mga naibentang painting.