PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Saudi Prince Grants Boy's Mercedes Wish

Saudi prince reportedly asks the kid if he really wants a Mercedes-Benz.
by Bernie V. Franco
Published Oct 2, 2023
Prince Mohammed bin Salman Al Saud
"Sana all." Ito ang nasambit ng netizens tungkol sa viral video ng batang nakausap si Prince Mohammed bin Salman Al Saud ng Saudi Arabia. Humiling kasi ang batang paslit ng Mercedes-Benz sa prinsipe. Diumano, kinabukasan ay nakuha ng bata ang hiniling na kotse (far right).

Kumakalat ngayon sa social media ang short video clip ni Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman Al Saud, at kung paano umano niya binigyan ng isang Mercedes-Benz car ang isang batang lalaki.

Makikita sa video na papalabas sa building ang crown prince na sinusundan ng kanyang entourage.

May mga kababayan siyang naghihintay sa labas para batiin at makapagpa-picture.

Isa sa mga nakaabang sa kanya ay isang batang lalaki na karga-karga ng isang lalaki, na marahil ay ama nito.

Makikita ang paslit na sumenyas sa prinsipe na magpa-picture sila.

Pagkatapos ay may sinabi ang paslit kay Prince Mohammed bin Salman in Arabic.

Sa video ay inilagay ang translation ng kanilang usapan.

“I want a Mercedes,” sambit ng bata.

“You want a Mercedes?” balik tanong ng nakangiting prinsipe sa batang paslit.

“Okay,” sagot ng prinsipe.

Read: Butas na sweater ni Princess Diana, naibenta ng PHP62 million sa auction

Prince Mohammed bin Salman Al Saud

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ay lumingon si Prince Mohammed bin Salman sa kanyang assistant sa kanyang likuran at tila may binilin ito saka itinuro ang bata.

Sa translation, ang nakalagay ay, “Get the address.”

At saka binati ng prinsipe ang iba pang nakaabang sa kanya, kasama ang isa pang batang lalaki.

Ang sumunod na picture ay isang batang lalaki na may black car sa kanyang likuran.

Ito raw ang batang paslit at ang regalong luxury car sa kanya ng prinsipe.

Napa-"sana all" naman ang netizens sa kanilang comments.

Kumalat sa social media ang video at iniulat din ito ng ibang international sites.

Gayunpaman, wala pang napapaulat na pagkumpirma mula sa kampo ng prinsipe kung talaga ngang niregaluhan niya ng Mercedes Benz ang bata.

Read: Original paintings sa museum, pinalitan ng fake at ibinenta; salarin, empleyado pala

kid with car

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Rolls Royce for the Saudi Football team?

Hindi naman ito ang unang beses na may balitang namigay ng mamahaling sasakyan ang Arabian crown prince.

Noong nakaraang taon, napaulat din ang umano’y pagreregalo niya ng tig-iisang Rolls Royce sa Saudi football players nang magwagi ang team sa FIFA World Cup 2022.

Na-pick up at iniulat din ito ng mga news outlets.

May post na noon na sinabing isinauli umano ng football team members ang mga luxury cars.

Pero nag-react ang kampo ng team na wala raw isasauli dahil wala namang ibinigay in the first place.

Isa sa football players, si Saleh Alshehri, ay itinangging may katotohanan na binigyan sila ng mga mamahaling kotse.

“We are here to serve our country and do the best. So that’s our biggest achievement,” ani Alshehri sa isang event.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sana all." Ito ang nasambit ng netizens tungkol sa viral video ng batang nakausap si Prince Mohammed bin Salman Al Saud ng Saudi Arabia. Humiling kasi ang batang paslit ng Mercedes-Benz sa prinsipe. Diumano, kinabukasan ay nakuha ng bata ang hiniling na kotse (far right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results