PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Groom's Tragic Wedding in Iraq

"What did we do? Why did this happen?”
Published Oct 4, 2023
Iraqi couple wedding fire
Iraqi couple Revan at Haneen Isho got married on September 26, 2023. But their wedding day turned into a tragedy because of a fire that killed 95 attendees.
PHOTO/S: YouTube (Sky News, NBC)

Ang wedding day ng mag-asawa sa Iraq ay nagmistulang bangungot na kumitil sa buhay ng tinatayang 95 na bisita.

Ito ang trahedyang pumukaw ng atensiyon sa international scene noong September 26, 2023.

Kasal iyon ng couple na sina Revan at Haneen Isho na ginanap sa Al Haytham Wedding Hall, Al-Hamdaniya District, Nineveh Governorate, Iraq.

Sa mismong reception, habang sumasayaw ang bagong kasal at nakikisaya ang kanilang daan-daang bisita, isang di inaasahang pangyayari ang naganap.

Biglang nasunog ang kisame dahilan para maalarma ang lahat.

Dagliang lumabas ang mga bisita, ang iba ay buhat-buhat ang mga batang paslit.

Bagamat nasa 100 ang nakaligtas, ayon sa ulat ng Sky News, nasa 95 na kapamilya o kamag-anak ang namatay sa apoy.

Nakaligtas din ang bagong kasal, pero maging sila ay nagluluksa.

Read:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GROOM SPEAKS UP

Nakapanayam ng Sky News ang mag-asawa noong October 1, 2023.

Sa maiksing interview, ang groom na si Revan lamang ang nagsalita. Halatang tulala pa rin ang kanyang asawa na si Haneen.

Inilahad ni Revan kung ano ang ginawa niya noong nagsimula ang apoy.

“I grabbed my wife and I began to drag her. I kept dragging her and trying to get her out of the kitchen entrance.

“As people were fleeing, they were trampling on her. Her legs were injured.”

Sa na-recover na video, makikita ang bagong kasal na sumasayaw sa center. Pagkatapos ay biglang sumindi ang flares, na pinaniniwalaang pinagmulan ng sunog.

Umakyat ang apoy at inabot ang dekorasyon sa kisame.

Pero sabi ni Revan, hindi siya naniniwalang flares ang pinagmulan ng apoy.

Sabi niya, “On the wedding night, why did this happen? What did we do? Why did this happen?”

Sampu sa family members—kasama ang ina at kapatid—ng bride na si Haneen ang nasawi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Revan sa interview, “It’s true we’re sitting in front of you, alive. But inside we’re dead, we’re numb, we’re dead inside.”

Sabi pa niya, “We can’t live here anymore. I mean every time we try to have some happiness, something tragic happens to us, and destroys the happiness. So it’s best for us to leave.”

Nagtatago ngayon ang mag-asawa dahil sila ang sinisisi ng mga bisitang namatayan.

Binanggit sa ulat na ang mga naka-survive sa apoy ay namatayan ng dalawa hanggang limang family members.

Sa ulat naman ng mga pulis, sinabi nilang ang wedding hall ay itinayo gamit ang cheap materials.

Labing-apat na katao, kasama ang venue owner, ang inaresto dahil sa trahedya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iraqi couple Revan at Haneen Isho got married on September 26, 2023. But their wedding day turned into a tragedy because of a fire that killed 95 attendees.
PHOTO/S: YouTube (Sky News, NBC)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results