Nag-celebrate si Lindaci Viegas Batista de Carvalho ng kanyang 54th birthday nitong May 20, 2023.
Iyon na rin ang mismong araw ng kanyang death.
Ang biktima ay isang Brazilian.
Bago ang trahedya, nakatanggap si Lindaci ng box of chocolates at bouquet mula sa isang anonymous sender.
Tinawagan niya ang mga kaibigan at kapamilya para malaman kung sino ang nagpadala sa kanya ng gift.
Pero bigo siyang malaman ang sender.
Read: Paramedic treats teen victim in fatal car crash; finds out later it was her daughter

Nang makontak ni Lindaci ang ex-boyfriend na si Mário Sérgio Gratital, kinumpirma ng lalaki na ito ang nagpadala ng tsokolate at bulaklak.
Kinain na niya ang ilan sa mga tsokolate, saka nagpunta sa salon para magpaayos ng buhok.
Ayon sa mga nakasaksi, nang lumabas ng salon si Lindaci ay bigla na lang itong natumba sa bangketa.
Nangisay rin siya.
Dumating ang military police at isinugod si Lindaci sa Hospital do Andaraí sa Rio de Janeiro.
Doon ay idineklara siyang dead on arrival.
Read: Babae, nakahanap ng look-alike sa vintage painting
CAUSE OF DEATH
Sa resulta ng autopsy kay Lindaci, natuklasang nilason siya.
Inimbestigahan ng pulisya ang kahon ng tsokolate na iniregalo sa kanya—at natiyak na iyon ang source ng lason.
Dahil naikuwento ni Lindaci sa kanyang mga kaibigan at kapamilya na sa kanyang ex-boyfriend na si Mário nanggaling ang tsokolate, inaresto ito ng mga awtoridad bilang prime suspect sa murder.
Read: Cute na pusang natutulog sa kalye, nagmistulang celebrity at nabigyan pa ng money

Pero itinanggi ni Mário na nilason niya si Lindaci.
Hindi umano siya nagpadala ng gifts sa ex-girlfriend, at biniro lang daw niya ito nang amining kunwari ay sa kanya galing ang bulaklak at tsokolate.
Wala rin siyang idea kung sino ang nagpadala kay Lindaci.
Ayaw rin namang ituring ng kapatid na babae ni Lindaci na si Mário ang salarin dahil maganda ang relasyon ng dalawa.
Read: Meet Mar Dio, construction worker turned multi-millionaire contractor
KARELASYON NG EX-BOYFRIEND NAGBANTA KAY LINDACI
Sa isinagawang mas malalim na imbestigasyon ng pulisya, nagsuspetsa ang mga awtoridad na na-frame up lang si Mário.
Ayon kay Abilio Gratital, kapatid ni Mário, naging mag-on for four years sina Lindaci at ang kanyang kapatid.
Nagkahiwalay ang dalawa, pero nanatiling magkaibigan.
Sinimulan namang i-date ni Mário si Susane Martins da Silva.

Read: Paris “sinalakay” ng mga surot; itinuring itong “national emergency”
Pagbabahagi ni Abilio, nabanggit sa kanya ni Mário na sobrang selosa ni Susane.
Ito umano ang klase ng babae na passionate and out-of-control.
Naputol ang relasyon ng dalawa nang makulong si Mário sa loob ng ilang taon.
Hindi na binanggit kung ano ang naging kaso nito.
Nakalaya si Mário noong November 2022, at nagkabalikan sila ni Susane.
Minsan umano ay nagwala ang babae nang makita ang palitan nina Mário at Lindaci ng text messages.
Dahil alam ni Susane ang naging past ng dalawa, kinontak nito si Lindaci at pinadalhan ng masasakit na text messages.
Pinagbantaan din nito na papatayin ang ex-girlfriend ng boyfriend.
Napag-alaman naman ng pulisya na ilang beses tinangka ni Susane na alamin kung saan nakatira si Lindaci.
Read: Gilas Pilipinas wins first Asian Games basketball gold after 61 years
SUSANE NA-TRIGGER NANG MAKIPAG-BREAK SI MÁRIO
Sa pagpasok ng 2023 ay nakipagkalas na si Mário kay Susane.
Ikinagalit iyon ng babae, na kumbinsidong si Lindaci ang dahilan kaya siya hiniwalayan ni Mário.
Nagbanta si Susane na gaganti ito kay Lindaci, paparusahan din daw nito si Mário dahil sa ginawang pang-iiwan sa kanya.
Ayon sa ulat ng O Globo, isang Brazilian news website, nagawan ng paraan ni Susane na malaman ang address ni Lindaci.
Kaya noong birthday ng biktima, nagpadala ito ng bulaklak at tsokolateng may lason, at sinabing kay Mário nanggaling ang mga iyon.
Read: Babae napagkamalang eye drops ang superglue, naipatak sa mata
SALAYSAY NG DELIVERY MAN, CRUCIAL SA IMBESTIGASYON
Nakalusot sana sa krimen si Susane kung hindi sa salaysay sa pulisya ng delivery man na nagdala ng gifts kay Lindaci.
Ayon sa delivery man, ang anak ni Susane ang nagbigay ng mga regalong ipinadala sa biktima.
“When the boy came to talk to me, everything was normal. He wasn't nervous.
“I made an innocent delivery, and I am innocent. I have a clear conscience.”
Lumantad umano siya dahil, “When I woke up, I saw the report of a lady who died with a bonbon [chocolates], and I thought, ‘I made this delivery.’”
Nadakip naman ng pulisya si Susane habang kinokontak ang delivery man para kumbinsihin na huwag sasabihing nagkausap ito at ang kanyang anak.
Nahaharap ngayon si Susane sa kasong qualified homicide.
Read: Lalaking tadtad ng tattoo hindi magka-love life, hindi tanggap sa workplace
