Naipit ang ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Israel kasunod ng nangyayaring hidwaan sa pagitan ng Israel at Palestine.
May kinalaman ito sa long-standing conflict ng dalawang bansa pagdating sa teritoryo na nag-uugat sa relihiyon at pulitika.
Dahil sa gulo, nadawit ang mga inosenteng sibilyan, kabilang na ang mga OFWs sa Israel.
Read: Pinoy sa Israel, ibinahagi ang kalagayan nila sa gitna ng lumalalang giyera
Nagsimula ito noong October 7, 2023, Sabado, sa isang music festival sa Southern Israel, nang biglang namataan ang usok sa may kalayuan.
Rocket attack pala ito ng Hamas, isang militant group sa Palestine.
Nagpaputok ng mga baril ang militant group sa festival, at daan-daan ang namatay at ang iba ay hinostage.
Sinabi ng isang survivor na kagimbal-gimbal ang nangyari sa festival at tinawag na “slaughter” ang ginawa sa mga sibilyan doon.
Read: Three winners of PHP81-M lotto jackpot, all from same area in Bulacan? Netizens react
PINAYS IN ISRAEL RECALL CLOSE ENCOUNTERS WITH HAMAS
Nakapag-uplaod ng video ang Pinay caregiver na si Irene Torres.
Madilim lang ang makikita, pero dinig na dinig ang putok ng mga baril.
Pinasok kasi ng Hamas ang bahay ng kanyang employer.
Mabuti na lang, nagawa ni Irene na pumasok sa bomb shelter kasama ang alaga niyang Israeli senior citizen.
Inilahad ni Irene sa GMA Integrated News ang kuwento ng kanyang video.
“Yun ang time na ni-lock ko na yung mamad, kaya pinagbabaril po.
“Buti na lang talaga hindi talaga mabuksan yung safe proof kasi ni-lock ko talaga siya.”
Nagkulong si Irene sa bomb shelter sa loob ng 35 hours.
Inamin ni Irene na natakot siya para sa kanyang kaligtasan.
Nag-message na raw siya sa kanyang mister at pamilya para ipaalam na pinasok sila ng Hamas.
Sabi ni Irene, “Nasa isip ko, ‘Paano kung i-hostage ako?’ yun po talaga sumagi sa isip ko.”
Nang lumabas sa pinagtataguan, wasak ang mga gamit sa bahay.
Humingi ng tulong si Irene sa Philippine Embassy sa Israel na siya namang nakipag-coordinate sa Israeli Defense Force para tulungan siya.
“Around 3:00 p.m. po, na-rescue ako,” ani Irene na naging emosyunal sa pagkakataong iyon.
“Ako na lang pala—kami ng alaga ko—yung nasa bus, kasi sila lahat, okay na sila.”
Si Irene ang isa sa mahigit 20 Pinoy na naulat na nawawala sa Israel nang mapaulat ang pag-atake ng Hamas.
May kaparehong karanasan si Rebecca Sabado isa ring OFW sa Israel.
Dahil ang tinutuluyan niyang bahay ay hindi lang pinagbabaril kundi sinunog pa ng Hamas.
“Nakita ko yung sala, nasusunog na pala,” lahad ni Rebecca sa GMA.
“Pero lumabas ako, nanghingi ng tulong. Pero may nakita akong isang Hamas doon. Buti na lang hindi ako binaril.”
Natatakot naman para sa kanyang mister si Clarice Pacheco.
Ani Clarice, nakita niya na kasama ang kanyang mister sa inilabas na video ng mga hinostage ng Hamas.
Sabi ni Clarice, “Base po sa video ay makikita niyo po doon na sinakay po siya, e.
“Tapos hanggang ngayon wala pa rin pong balita kaya nag-aalala na kami.
“Last text sabi po niya, ‘Pinasok na kami, hon, ingatan mo yung mga anak natin.’”
Kinukumpirma pa ng Philippine Embassy in Israel kung kasama nga sa dinukot ang mister ni Clarice.
Ang pinakahuling balita mula sa Department of Foreign Affairs, dalawang Pilipino ang nasawi at anim na Pinoy pa ang nawawala.
