PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Two OFWs confirmed dead in Israel; Pinay nurse allegedly died a hero

"Pagbukas ng pinto, niratrat po yung mag-amo..."
by Bernie V. Franco
Published Oct 12, 2023
Pinoy victims in Israel
Department of Foreign Affairs confirms death of two Overseas Filipino Workers in Israel due to the escalating war. Meanwhile, netizens are posting on Facebook about a Filipino nurse who allegedly chose to stay with her ward instead of fleeing. The nurse and her ward were allegedly brutally murdered by members of the militant group, Hamas.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News)

Dalawang Overseas Filipino Workers (OFW) ang kumpirmadong namatay sa Israel kaugnay ng sigalot sa pagitan ng Israel at ng Hamas, isang militant group sa Palestine.

Isa pang OFW ang napaulat na nasawi, subalit kinukumpirma pa ito.

Anim ang nawawala, isa ang sugatan, at tatlo pa ang pinaghahanap.

Ito ang estado ng ilan sa tinatayang 140 OFWs sa ika-anim na araw ng Israel-Hamas conflict na nangyayari ngayon sa Middle East, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Hindi malinaw kung kasama sa talang ito ng DFA ang isang Filipina nurse na viral ngayon sa Facebook dahil nasawi siyang bayani.

Read:

PINOY CASUALTIES

Samantala, narito ang ilang detalye na binigay ng DFA tungkol sa dalawang Pinoy na nasawi sa unang araw ng paglusob ng Hamas sa Israel noong Sabado, October 7, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isa ay 33 anyos na female caregiver mula sa Pangasinan. Anim na taon na ito sa Israel at bagong kasal.

Ang isa pa ay 42 anyos na lalaki mula sa Pampanga.

Hindi muna sila pinangalanan bilang respeto sa kanila at sa kanilang pamilya.

“Napatay po sila habang po umaatake ang terorista sa kanilang communities," ani Dina Ponciano, welfare officer ng Philippine Embassy sa Tel Aviv.

Ang kuwento naman ni Rodolfo Gabasan, labor attache ng Philippine Embassy sa Tel Aviv, “Yung isa po ay habang pinupuwersa ng militanteng mga terorista yung kanilang mga pinto.

"Pagbukas ng pinto, niratrat po yung mag-amo—yung caregiver at saka yung kanyang amo.

“Yung isa po ay pinatay, pero hindi po namin alam kung anong circumstance.

“Pero isa po siya sa mga natangay ng Hamas sa kasagsagan po ng pananalasa ng mga terorista.”

Kumakalat ngayon sa Facebook ang larawan ng isang Filipina nurse na kasama rin umano sa mga namatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga nag-post ay mga Israelis, kasama si Fleur Hassan-Nahoum, deputy mayor ng Jerusalem.

Diumano, namatay na bayani ang nurse dahil sa halip na tumakas ay hindi nito iniwan ang inaalagaang elderly.

Bahagi ng kumakalat na post, “When the cruel terrorists arrived, she had the chance to escape, but she decided to stay, out of endless loyalty with her patient Nira. Both of them were brutally murdered.”

Sa mga posts, tinawag na “true hero” ang Pinay nurse.

Facebook post

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinabi rin ng DFA na 70 sa 140 OFWs sa Israel ang nagpahayag na nais na nilang ma-repatriate.

Pinag-aaralan ngayon ng gobyerno kung paano ililipad ang mga Pilipino sa Israel pauwi ng bansa.

RELATED STORY

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Department of Foreign Affairs confirms death of two Overseas Filipino Workers in Israel due to the escalating war. Meanwhile, netizens are posting on Facebook about a Filipino nurse who allegedly chose to stay with her ward instead of fleeing. The nurse and her ward were allegedly brutally murdered by members of the militant group, Hamas.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results