PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Man Freed After 16 Years, Killed in Police Brawl Over Speeding

Leonard Cure was starting a new life after 16-year imprisonment
by Bernie V. Franco
Published Oct 20, 2023
police and driver over speeding
Leonard Cure (in white) refuses to cooperate with a deputy sheriff when apprehended for overspeeding on a highway in Camdem County, Georgia. The two got into a physical fight (insert) that led to Leonard getting fatally shot.
PHOTO/S: Camden County Sheriff's Office

Namatay ang isang lalaki sa Georgia, U.S.A. nang mabaril ng pulis matapos nilang magkapisikalan.

Sinita muna ang lalaki dahil sa overspeeding sa highway.

Ang lalaki ay si Leonard Allan Cure, 53, na kalalaya lamang mula sa 16 years na pagkakakulong dahil sa maling paratang.

Pinaratangan siya ng armed robbery noong 2003. After 16 years na pagkakapiit, napatunayang inosento pala siya. Pinalaya siya noong 2020.

Umaasa sana siya ng bagong panimula sa buhay. Pero hindi na ito mangyayari matapos siyang mabaril noon lamang Lunes, October 16 (U.S. time).

Read: Kasambahay first time tumaya sa lotto, nanalo, pero naglaho na ang premyo

THE INCIDENT on the road

Sa inilabas na video ng kapulisan sa Camden County, Georgia, makikita ang buong pangyayari.

Isang deputy sheriff—na hindi pinangalanan—ang sumita kay Leonard dahil sa mabilis na pagpapatakbo nito sa highway. Ipinahinto sa gilid ng daan ang pick-up truck ni Leonard.

Bumaba sa kanyang sasakyan si Leonard, pero nakipagtalo sa pulis kaya siya inaresto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi sumunod si Leonard nang sabihan ng deputy sheriff na ilagay ang mga kamay sa kanyang likuran.

Ginamitan siya ng Taser ng pulis. Sinugod ni Leonard ang pulis at nakipagbuno.

Sa kalagitnaan ng kanilang pisikalan, bumunot ng baril ang pulis at pinaputukan si Leonard, at bumagsak ito sa kalsada. Saka tumuwag ang pulis ng emergency medical unit.

Read: Pastor arrested for death of Mr. Cagayan de Oro candidate; charged with murder

road fight

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Leonard Cure (in white) and the deputy sheriff got into a tussle in the middle of the road

Pagdating ng medical unit, nilapatan ng paunang lunas si Leonard, pero namatay rin.

Isinailalim ang deputy sheriff sa administrative leave, habang nagkaroon ng sariling imbestigasyon ang Georgia Bureau of Investigation.

A DIFFERENT LEONARD

Pauwi na sana ni Leonard noong Lunes matapos bisitahin ang kanyang ina.

Sa highway ay nagpatakbo siya ng 90 mph kahit na ang speed limit ay 70 mph. Kaya sinita siya ng pulis.

Magtatatlong taon pa lamang mula nang maabsuwelto siya dahil sa maling akusasyon.

December 2020 nang palayain si Leonard matapos makulong dahil sa kasong armed robbery. Matapos ang maraming taon sa kulungan, nadiskubre na wala sa pinangyarihan ng krimen si Leonard.

Natukoy na milya-milya ang layo niya sa pinangyarihan ng krimen sa tulong ng isang ATM receipt.

Samantala, ang sabi naman ng kanyang inang si Mary Cure, ibang Leonard na ang umuwi matapos mapalaya sa kulungan ang anak.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“My baby was free. But the truth of the matter is that he never came home,” ani Mary sa isang interview.

Matapos makalaya ni Leonard, bumalik siya sa kanyang pamilya at nakakuha ng isang security job.

Sinabi ng isang civil rights attorney na si Ben Crump at Florida Innocence Project Director Seth Miller sa sinapit ni Leonard: “He is someone who was failed by the system once and he has again been failed by the system. He’s been twice taken away from his family.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Leonard Cure (in white) refuses to cooperate with a deputy sheriff when apprehended for overspeeding on a highway in Camdem County, Georgia. The two got into a physical fight (insert) that led to Leonard getting fatally shot.
PHOTO/S: Camden County Sheriff's Office
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results